Matapos ang busy week ng mga mag-aaral, balik ulit sa dati. Pag-aaral na uli ang focus. Kanina pa nag didiscuss si Prof. Pero wala parin ung katabi ko. Parang wala ding pumapasok sa utak ko. Alam kong hindi dapat ako nag-aalala dahil pinagtabuyan ko nga sya. Kasi hindi ko pa talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Pero ngayon, ramdam na ramdam kong may kulang .. Sya nga kaya? O wala lang talaga akong gana. Pero kahit kailan pag dating sa pag-aaral hindi ako nawalan ng gana! Ngayon lang. Makalipas ang ilang araw mula nung araw na sinabi kong layuan na nya ako, hindi ko na sya nakita pa. Ni hindi nga man lang kahit mga kaibigan nya. Nang matapos ang klase, lumabas ako para magpahangin. Hindi ko narin nararamdaman ang pagbilis ng t***k ng dibdib ko. Pag nandyan lang si Diara saka ko nara

