NAKAKAPANGINIG ng laman. Iyon ang naramdaman ni Regina nang mapanood ang CCTV footage na nakuha nila sa school. Kitang-kita doon kung paano pinagtulungan bugbugin si Marcela ng tatlong kaklase nito, kasama na ang nakausap niya sa Principal’s Office. Tila hindi rin kinaya, napalingon siya kay Javier, nakita niya itong nakapikit saka humugot ng malalim na buntong-hininga at halata sa mukha ang pagpipigil ng galit. Matapos makausap ang Principal, agad siyang tumawag kay Javier at ni-report ang nangyari. Kinagabihan, maagang umuwi ang lalaki para kausapin ang anak doon sa Library. “Ano ba talaga ang nangyari, Marcela?” tanong nito. “I’m sorry, Dad. Alam ko na na-disappoint na naman kita, pero pinagtanggol lang naman kita eh.” “I know tha

