“BUMABA ka na sa puwesto, De Vera! Nawala ang bahay namin dahil sa’yo! Wala kang puso para sa mahihirap!” Nakaramdam ng lungkot si Regina matapos mapanood ang balita tungkol sa mga illegal squatter na nakatira sa malawak na lupang pag-aari ng Gobyerno. Hindi naman pinabayaan ni Javier ang mga naroon. Naghanda si Jay ng relocation place para sa mga nakatira sa squatter. Kasama ang mga lupang iyon sa matatamaan ng infrastructure project ng administration ni Javier para sa railway para sa pinakaunang bullet train na ni-regalo ng Japan sa Pilipinas mula nang mag-state visit ang Pangulo dalawang taon na ang nakakaraan. Layunin ng proyektong iyon na mapabilis at convenient ang biyahe ng mga Pilipinong gustong umuwi ng mga Probinsiya na hindi kailangan umupo at maghintay ng ilang oras

