Chapter Eighteen

2711 Words

           SINALUBONG siya ng ngiti ni Allan pagdating sa meeting place nila. Bakas sa mukha nito ang saya nang makita si Regina.           “Salamat ah, pumayag ka na magkita tayo. Akala ko busy ka na naman eh,” sabi nito.           Marahan siyang natawa. “Ikaw pa ba? Eh ikaw lang ang kaibigan ko dito sa Maynila. Ano nang balita sa’yo? Mukhang busy ka ah?”           Bumuntong-hininga ito. “Oo nga eh, alam mo na marami kaming operasyon ngayon tapos dalawa pa ‘yong hawak ko na kaso.”           “Ako rin naman. Hindi lang kasi si Marcela ang inaasikaso ko, minsan tumutulong din ako kay Sir.”           Bumaba ang tingin niya sa kamay nang hawakan iyon ni Allan.           “I missed you,” sabi nito habang nakatingin ng deretso sa mga mata.           Ramdam ni Regina ang sinseridad ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD