“MISTER President,” magiliw na pagtanggap sa kanya ng dating Senator Butch Serafin, ang ama ni Rachel. Agad umupo si Javier sa tapat ng mesa doon sa loob ng VIP room ng restaurant kung saan nila napagkasunduan na magkita. “Good evening,” bati niya. “This is a surprise, Mister President. It’s been a while since you called me for a meeting like this.” Matipid siyang ngumiti. “I know, and I apologize if this is so sudden.” “Naku wala iyon, wala naman akong ginagawa sa bahay. Mabuti na itong nakakalabas minsan.” “Thank you.” Saglit silang huminto sa pag-uusap nang dumating ang waiter at nagsalin ng inumin at nag-serve ng pagkain. “Sa labas lang po ako, Sir,” paalam ni Harris. Isang matipid na

