“DADDY, will you be okay with Ate Regina?” nag-aalalang tanong ni Marcela. Ngumiti si Javier sa anak at hinaplos ito sa buhok. “Yes anak, I’ll make sure of that.” Bumuntong-hininga ito. “Ang saya ko pa naman na malaman na girlfriend mo na pala si Ate, tapos nagkaganito naman kayo.” “Magkakaayos din kami, huwag kang mag-aalala.” “Hmp! Pahamak talaga ang babaeng ‘yon!” inis na sabi nito na ang tinutukoy ay si Rachel. Dahil sa nasaksihan, nagtaka si Marcela at agad siyang tinanong kung anong nangyayari, maging kung saan sila nagpunta ni Regina. Doon niya sinabi ang totoong relasyon nila ng dalaga. Hindi makakalimutan ni Javier ang sayang nakita niya sa mga mata ng anak dahil sa nalaman. Matapos nilan

