START GAME

1580 Words
Jasmine Laurette Lavien's POV "Aray ko po." Reklamo ng isang lalaki na medyo may pagka-orange ang buhok habang hila-hila ng adviser namin ang kanyang tenga. "Hindi na po mauulit," sabi naman ng isa pa nilang kasama na may hawak na bola ng basketball. "Sorry, ma'am," singit naman ng isa pang lalaki na naka-leather jacket. 'Yan ang mga naririnig namin sa labas ng classroom ang paghinging pasensya ng apat na studyanteng dinala ng adviser namin. Schoolmates? Yup pero hindi ko sila kilala. Ngayon ko lang sila nakita. Hindi naman kasi ako pakalat-kalat sa campus. 'Di ko naman nirarampa mukha ko. "Sino ba kasing nagsabing mag-cutting classes kayo? Explain yourselves gentlemen or I'll bring you to the guidance office." Busy ang buong klase nang dalhin ni ma'am 'tong apat na kurikong na 'to. May seatwork kasi kami ngayon at napatigil kami sa pagsasagot nang mag-bunganga si ma'am sa labas. "Gusto namin maglaro ng basketball," sagot ng isang matangkad na lalaki. Pogi at may cold aura. Well, all four of them are tall and handsome. Teka nga... Dapat sa seatwork ako naka-focus eh. Bakit ko ba 'yan pinagtutuunan ng pansin? "Ang pogi naman no'n." Napatigil sa pag-sagot ang kaibigan kong si Rose. "Saan 'yong pogi?" nananabik na sambit ni Holly. "Ayan oh. Kasama ni ma'am." Turo ni Rose sa mga ito. "Ayan ang bibilis. Wala pa nga tayong sagot eh," singit ko sa kanila. "Minsan na nga lang tayo makakita ng pogi sa school natin. Hindi pa ba natin susulyapan?" Patingin-tingin sa bintana na si Blaire. Itong mga 'to talaga pag sinabing "pogi" nabubuhay ang mga kaluluwa e. Well... Uhm... Ako rin naman. Pero kasi nanganganib na grades ko sa Math ngayon kaya kaylangan ko mag-focus kaya lang kahit anong focus ko hindi ko talaga maintindihan at hindi ko talaga alam kung paano ko 'to sasagutan. Nag-review naman ako kaso bibiyak pa rin talaga ang ulo ko kapag mismong test na. Oo nga pala, I'd like you to meet Blaire Primrose Mitchiko, Rose Agatha Lavire and Holly Solaine Burne. Mga bestfriends ko lang naman 'yan na kulang sa hinaharap — pero bawi sa height syempre. O diba binawi ko agad. Hahahaha.... Si Blaire ang pinakamatanda sa aming apat. Weeb at maaasahan mo sa drawing. Actually, ang dami niya ng comics na nagawa. She have curly hair, maputi at ayaw na ayaw mag-lugay. Si Rose naman ay isang gamer. Muntik nang bumagsak ang grades kakalaro ng online games. Pero kahit na gano'n, halimaw naman sa Math ang utak niya. Math ang specialty niya at ang maghugas ng plato. Kung si Blaire ay curly, si Rose naman ay wavy hair lang at morena. And then si Holly, siya 'yong medyo girly sa amin. Medyo lang kasi mas girly ako kumilos sa kanya hehe. Wala nang ginawa 'to kundi magbasa ng mga ebooks at laging nakatutok sa phone pero kahit na gano'n, isa sa mga bagay na mayroon si Holly ay potencial sa acting. Siya rin 'yong pinakamatangkad sa amin. May straight shoulder level cut ang buhok at tisay. "Okay. Kapag nakita ko pa kayo ulit na mag-cutting classes, wala nang sabi-sabi, diretso guidance. Now, go back to class!" our adviser hissed. Bumalik na nga 'yong apat sa classroom nila. Geez! Mga lalaki talaga ang lakas ng loob mag-cutting 'no? Pero para mag-basketball? Eh may court naman dito sa campus at P.E time. Psh! Maghahanap lang ng chix 'yan sa labas. "Pass your test papers in five... four..." Rinig kong sabi ni ma'am nang simulan niyang kolektahin ang mga papel. Ang bilis naman ng oras! "Hala! Hindi pa 'ko tapos," natatarantang sabi ko. "Tama na 'yan. 'Wag mo na tapusin babagsak naman talaga tayo sa kanya," sabi ni Rose at muling tumutok sa paglalaro niya ng games. Ikaw? Babagsak? Akala mo talaga hindi gifted sa Math. Baka ako nga lang ang makakuha ng low grades huhu. Kung pwede lang makipagpalit ng utak sa'yo matagal ko nang ginawa. Hay! Hirap maging bobo sa numbers talaga. "Are all papers here?" "Opo," sagot naming lahat sa adviser namin. Good luck na lang sa magiging score ko. "Okay. Take a break." Umingay muli ang classroom namin. Lumabas na kaming apat at pumuntang canteen. As usual, egg sandwich lang naman saka dalandan juice 'yong bibilhin namin dito at tatambay kami sa grounds. May mga upuan sa grounds na kung saan sa lilim ng mga puno nakapwesto at do'n kami madalas kumain o nagpapalipas oras. "Unang kagat, tinapay lahat." Kagat ni Rose sa egg sandwich niya. Habang kumakain kami ay nanonood din kami ng mga nagba-basketball mula roon sa court na malapit sa Grand Hall namin kung saan ginaganap ang mga events. "Naga-gwapuhan ba kayo sa mga varsities natin dito?" ani Rose habang pinagmamasdan ang mga naglalaro. "Hindi gaano. 'Yong iba oo, gwapo. 'Yong iba naman mukhang waterboy lang," Holly responded with a 'meh' face. "Ang harsh mo naman!" Rose exclaimed sabay tawanan nilang tatlo. Ako na walang pakealam sa mga ganyan na nilalasap ang bawat kagat ko ng tinapay kasi puro tinapay lang naman talaga, ay nagmamasid sa paligid. Hindi sa naghahanap ng gwapo pero parang gano'n na nga rin, ay namomoblema sa grades. Syempre may iniisip din akong mga ibang bagay. Tuliro na naman ako. Hanggang kailan ba 'ko magiging ganito? "Okay ka lang, Jas?" Pukaw ni Holly sa atensyon ko. Tinanguan ko ito at binigyan ng matamis na pekeng ngiti. "Oo naman." "Mukha ka na namang nalugi. 'Wag mo na nga isipin 'yon," singit ni Rose. "Wala naman akong iniisip ah. Kumakain lang naman ako," katwiran ko sa kanila para hindi na magtanong nang magtanong. "Hay nako, Jas. Alam na namin 'yang mga mata mo. Kabisado na namin 'yan," sabi naman ni Blaire bago inumin ang dalandan niya. "Ano ba meron sa mata ko?" "Malabo mata mo," she added. Totoo 'yon. Mataas ang grado ko. Si Holly rin malabo ang mga mata. Si Rose nanlalaban pa naman at kay Blaire na lang ang natitirang 20/20 vision pa. Si Blaire ang mata naming tatlo at kami naman ang tenga niya. Mahina na kasi ang pandinig ni Blaire sa kaliwang tenga. "Ang lungkot ng mga mata mo," Rose pouted. "'Wag ka na nga umiyak. Mamaya magmu-mukmok ka na naman sa cr." Holly comforted me as she put her long arms around me. I heard Blaire let out a deep sighed. "Move on na." Kakagaling ko lang kasi sa break-up two weeks ago. Oo na. Wala naman kasing forever. Bakit? Anong nangyari? Sa ngayon, hindi ko pa kayang sabihin. Hindi ko pa kayang i-kwento. Baka maiyak lang ako ng wala sa oras. Ayaw ko ring maiyak sa maraming tao at ayaw ko ring pinagtitinginan ako. "Balik na tayo sa classroom. Baka saraduhan tayo ng pinto ng kalmado always nating adviser." Yaya ko sa kanila. Tapos na rin naman kasi kami mag meryenda. "Wala pa tayo sa room pero naririnig ko na ang high pitched niyang boses." Holly chuckled. "Nasisira na agad ang eardrums ko." Dagdag pa ni Rose. "Buti na lang at mahina ang pandinig ko. My ears are at peace," singit ni Blaire. Natatawa na lang ako sa kanila. Minsan talaga basher 'tong mga 'to. "Hay nako kayo. Tara na nga. May makarinig pa sa'tin dito. Baka tayo pa ang sunod na kaladkarin katulad sa mga lalaki kanina." Bumalik na kami sa classroom at nadatnan namin na naglilinis ang mga kaklase namin. Sinaniban ba ng mga anghel ang mga ito at naglilinis ngayon? Mga tamad magsi-linis 'to ah? "Tatayo na lang ba kayo r'yan?" Lapit sa amin ng adviser namin habang nakapamewang at tinaasan kami ng kilay. "Araw-araw kaya may dalaw 'to si ma'am?" Bulong ko kay Holly. "Gaga. Menopause na 'yan."Bulong din niya sa'kin. "Hindi niyo ba nakikita 'yong principal sa harapan?" tanong muli ng adviser namin na masungit pa rin ang timpla ng mukha. Napatingin kami sa harapan at nandoon nga ang principal kasama pa 'yong owner ng school kaya naman agad kaming kumuha ng cleaning materials sa cabinet. Ano bang meron? "Dad, may training kami mamaya. I'm gonna be late." Napatigil ako sa pagwawalis at napatingin sa pwesto ng principal at owner ng school. Ngayon kasama na nila yung lalaking poging matangkad na pinagalitan ni ma'am kanina. Napapabulong ako sa sarili ko. "Dad? So anak pala 'yon ng owner samantalang pinapagalitan lang 'to ng adviser namin kanina." Napalingon sa'kin si Holly. Mukhang naririnig niya yata ako. "Sinong kausap mo d'yan?" nagtatakang tanong nito. "Hmm?–Ah, wala." Nagwalis na lang ako ulit dahil baka mapagalitan pa 'ko. Bakit ko ba pinapansin 'yon? "After that, ibalik niyo sa lalagyan 'yang mga panglinis at umuwi na kayo. I'll go home because my kid is sick. Go home straight as well. 'Wag na kayo makipag-date sa mga jowa niyo," she exclaimed. "Wala ngang jowa eh," Rose mumbled nang makaalis si ma'am naming suplada na pinaglihi yata sa sama ng loob. "Jowa? Nakakain ba 'yon?" ani Blaire. "Uhm... Pwedeng makain?" Holly replied. Bigla kaming natahimik at napaisip sa sinabi ni Blaire at Holly. Bakit ganyan kayo magisip? Napatawa na lang kami sa mga napasok sa isip naming apat. Hays. Bakit ko pa kayo naging kaibigan hahaha. "Mga utak nito. Tara na umuwi na tayo. Malinis na rin naman 'yong room. Tayo na lang rin ang naiwan." Yaya ni Blaire. Binalik na namin ang mga cleaning materials at saka nagkanya-kanya nang lakad papauwi. Uuwi na talaga kami diretso dahil mga wala naman kaming mga bebe. Ako may ide-date pa? Iniwan na nga 'ko eh. At saka isa pa. Having jowa is sakit sa ulo. Makapaglakad na nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD