Chapter 24: Jacky

1672 Words

Pasado alas dies ng gabi nang pareho na kaming nasa kwarto ni Gabby, tahimik na nakahiga habang tinatanaw ang kulay puting kisame. Kanina pa kami walang imik, tila ba nagpapakiramdaman pa sa isa't-isa. Naging sapat na rin sa akin ang presensya nito para maging payapa ang pakiramdam ko, hindi katulad nitong nagdaang gabi na wala siya sa tabi ko na para bang mas nasanay ako na palagi ko itong kasama noon. Huminga ako nang malalim, saka ko bahagyang nilingon si Gabby sa gilid ko kung saan abala ang isang kamay niya sa paulit-ulit na paghaplos sa buhok ko. Samantala ay nakapikit na rin ang dalawang mata niya. Wala sa sarili nang mapangiti ako, ngayong nakapikit siya ay hindi halatang ang corny niya. Hindi ko ba alam kung saan nito nakukuha iyong lakas ng loob niya na magbitaw ng mga pick-up

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD