Chapter 8: Jacky

3041 Words

Sa sinabi ko ay kamuntikan nang maduwal si Gabby sa pinaghalong pagkamangha at gulat. Kitang-kita ko ang pagkislap ng pareho nitong mata, kasabay nang pagsasayaw doon ng pagkasabik sa 'di ko mawaring bagay. Huli ko nang na-realize na may double meaning pala ang mga binitawan kong salita. At ano nga iyong sinabi ko? Sa tabi ko siya matutulog mamayang gabi? Aba, natural naman 'di ba? First of all, mag-asawa kami. Well, wala naman ibang ibig sabihin iyon. Ang totoo kasi niyan ay gusto ko lang talaga na iparating sa kaniya na gusto ko siyang katabi mamayang gabi sa pagtulog dahil aminin ko man din o hindi, may parte sa puso ko ang nagseselos. Lalo sa kanina umaga na naabutan ko sa kanila ni Donna Tuazon sa kwartong iyon, kaya kung nagpaliwanag man si Gabby na ako ang katabi niya kagabi ay a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD