Chapter 12: Jacky

1655 Words

Sa mga nakalipas na minuto ay nananatili lang kami sa ganoong ayos. Nakadukwang ito sa akin habang nakatingala naman ako na siyang pilit na inaabot ang kaniyang labi, halos mangawit pa ang batok at leeg ko. Pareho kaming tahimik ni Gabby, walang nagsasalita na para bang pareho rin naming ninanamnam ang init na aming pinagsasaluhan sa oras na iyon— init na bumabalot at nanunuot sa katawan namin. Sa katahimikan pang namumutawi sa paligid ay nagawa kong sundan kung paano tumibok ang puso ko. Malakas iyon at hindi mapapantayan ng kung sino at anong bagay, pakiramdam ko ay tuluyan na rin akong mababaliw kapag sakaling nagpatuloy pa ito. Bolta-boltahe ng kuryente ang nanunuot sa kaibuturan ko, nangingibabaw ang init na siyang sinasabayan ang bawat pagdampi at paggalaw ng labi ni Gabby sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD