"I'm sorry..." dugtong ni Brandon na nananatiling nasa kalsada ang atensyon. "Sorry kung pati ikaw ay nadadamay sa kalokohan ni Daddy." "Well... i—it's fine... I mean, tama lang na bumabawi ka ngayon sa bachelor squad at tinulungan mo akong makatakas, kaya thank you rin," pahayag ko. Tumango-tango si Brandon, kapagkuwan ay hindi na nagsalita. Pareho kaming natahimik, gustuhin ko man din sanang tanungin kung saan kami patungo at kung nasaan ang iba pang squad, lalo na si Gabriel ay hindi ko na nagawa. Masyado rin kasi akong nababagabag, nandito pa rin iyong mabigat kong emosyon na dala ng ama ni Brandon, pati ng mga ginawa nila. May pangamba pa rin ako at hindi iyon matatapos hangga't hindi ako nadadala kay Gabriel. Huminga ako nang malalim bago pinunasan ang pisngi kong natuyuan na ng

