Huwag ko lang talagang malaman-laman na sinabi sa kaniya ni Gabby ang nangyari kanina, mas kahiya-hiya pa kung alam din nina Leo, Melvin at Paul Shin. God! Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. "Akala ko talaga ay nagbibiro ka lang na masama ang pakiramdam mo," ani Donna dahilan para mangunot ang noo ko. Ilang segundo pa nang mag-sink in sa utak ko iyong sinabi niya kung kaya ay bulgar na napahinga ako nang maluwang. Ilang ulit pa akong natawa sa sariling kabaliwan— akala ko talaga, kung 'di ay hindi na makakaulit pa sa akin si Gabby. "Akala ko kasi ay pareho kayong may balak ni Doc. Gabby kanina, kaya kayo nagpaiwan dito sa bahay," dugtong niya nang hindi ako magsalita. "Ba—bakit? A—ano sa tingin mo ang gagawin namin, huh?" Pinagtaasan ko ito ng kilay na ibinabalik sa kaniya an

