SINGKO

2411 Words
SINGKO AURORA MARASIGAN  I HAVE been sitting here in this room for a while now, but I still can't calm down. My whole body was still shaking as if someone had taken advantage of my femininity. Until now, I still can't forget the embarrassment I felt because of him. No man has ever seen my body other than him, and I am really horrified when I think about what happened a while ago.  I am shookt right now! I feel so violated.  Of all people ang pangit na ‘yon pa talaga ang makakakita ng katawan ko. Like, duh! I am a gorgeous virgin kaya!  “What?” I yelled at Eugenio. Kumamot ito sa ulo niya na para bang nahihirapan sa kung ano mang gusto niyang sabihin. “Don’t you even dare to say it was not your fault, coz it is!” I shriek and walk out on him.  Hindi ko na natapos pa ang pictorial dahil hindi na ako mapakali na hindi ako makauwi. Sinabihan ko na silang hindi ko tatapusin ang shoot kung hindi kami lilipat ng venue. I don’t care if that location is fit for the theme. I feel humiliated right now and it’s stressing me out!  When I got home, Anthony didn’t say anything about what happened to me. Yaya will kill me if she hears that I go out alone, and worst I let a guy see my boobies.  “Ayos ka lang, Awreng?”  “Yaya, please it’s Rara. I feel old and stinky when you call me with that name,” I complain to her, coz she keeps on calling me with that nickname of hers.  “Tigilan mo ako, Awreng sa matanda ah! Nasa bahay ka, wala ka sa labas para may makarinig ng palayaw mo. Magbihis ka na at ihahanda ko ang meryenda mo,” aniya bago dumiretso sa kusina at iniwan ako sa sala.  Napangiti ako ng makita ko si Poochie na naglalakad palapit sa akin bitbit ang tali niya. Sa sobrang busy ko lately ay hindi ko na siya naiipasyal. “Sorry, baby! Mommy is always busy. Later after I eat my merienda will walk around,” saad ko habang hinahaplos ang ulo niya.  Habang karga siya ay umakyat na lang muna ako sa kwarto. Pagpasok ko ay nilapag ko na lang si Poochie sa kama niya bago ako dumiretso ng bathroom. Habang naliligo ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa Casa. kahit ilang beses yata akong maligo pakiramdam ko ay nakatingin pa rin sa akin si Eugenio at kinikilabutan na ako sa tuwing maiisip ko ‘yon.  Dumilat ako ng marinig ko ang sunod-sunod na katok ni Yaya Tessa at malakas nitong pagtawag. “Ano balak mo bang pulmonyahin at halos isang oras ka ng nakababad diyan sa bath tub?” salubong ang kilay nitong tanong mula sa kabilang pinto.  “Ya, forty-five minutes pa lang. Don’t be too exaggerated! Like, duh! I feel dirty kaya noh!”  “Wag kang maarte diyan! Bilisan mo ng maligo at lumalamig na ang meryenda mo. Nakatulog na kakaantay si Poochie sayo.”  “Opo. Palabas na,” sagot ko na lang para hindi na ito mangulit pa sa akin.  I was holding a towel while drying my hair and walking around my room naked. If Yaya Tessa sees me, she probably freaks out again. She hates when I’m walking around naked. I am not a kid, daw! I am sorting some dresses I would wear, but I couldn’t find anything. So I end up wearing a pair of crop top shirts and denim shorts.  Paglabas ko ng walk in closet ay tulog na nga si Poochie. Mukhang napagod din sya sa pakikipaglaro sa mga Yaya niya. Nasa hagdan pa lang ako ay tumayo na si Yaya Tessa para pumunta sa kusina at malayo pa lang ay kita ko na ang nakakunot niyang noo at salubong na kilay. Okay, kailangan ko ng magmadali maglakad.  “Ano pa lang nangyari sa pictorial mo?”  Bigla akong nasamid sa tanong ni Yaya Tessa. Bumalik na naman tuloy ang masama kong ala-ala kahapon. “It’s okay. I just got tired so we packed up early,” I reasoned for her to stop asking.  I can’t tell her what happened a while ago. I might lose my sanity hearing her homily.  Pagkatapos kong kumain kahit natutulog si Poochie ay ginising ko ito para lang may magawa ako. NIyaya ko si Kuya Anthony na pumunta sa mall dahil gusto kong malibang para makalimutan ko ang nangyari sa akin ngayong araw. Bago kami makaalis ay walang katapusan na bilin pa ang narinig ko mula kay Yaya.  Pagdating sa mall ay ilang babae pa ang nakatingin sa akin ng madaanan ko sila. Wala namang mali sa suot ko. I am wearing Chanel slippers, a Gucci sling bag, crop top shirt and denim shorts. What’s wrong with what I am wearing?  “Where are you?”  “May trabaho pa ako, Aurora. Kung iyon ang gusto mong malaman,” imporma ni Rin-rin matapos sagutin ang tawag ko.  “Tsk! I’m at the mall. Call me if you want to join,” I said before ending the call. “Poochie, let’s go shopping,” tawag ko kay Pocchie habang naglalakad ito sa unahan ko.  I think she gets even more attention with her Gucci brand clothes and shoes. But even though all her things are branded compared to the people around her, she is even more expensive.  Habang naglalakad kaming dalawa ay nakasunod si Anthony sa amin. Nakakailang store pa lang ako ay sa iba na nagawi ang mga paa ko. “Miss Rara, where are you going?” Harang sa akin ni Anthony ng bigla akong lumiko papunta ng Supermarket.  “Hold Poochie for me. Here have some coffee or something. I’ll just buy some peanuts and snacks,” saad ko bago sila iwan.  Iniwan ko si Poochie kay Kuya Anthony dahil tulog na tulog ito. Mukhang napagod talaga siya sa maghapon niyang activity. Pagpasok ko ng grocery ay ang snack section agad ang pinuntahan ko. Ang ilang balot ko ng almonds at peanuts sa bahay ay saglit ko lang naubos. At ngayong nakikita ang iba’t ibang klase ng peanuts sa harap ko ay para na akong nasa langit.  I love nuts, any kind of nuts, to be exact. They are my comfort food and cake. Good thing I don't gain weight fast.  “Ano ang imo ginabakal?”  My brows furrowed as I looked at the person beside me. “Aj!” I shouted as I hugged him.  “Masakit, Awreng!”  “It’s Rara. Like, duh! We are in public, but I miss you, Aj.”  “I miss you too! Ikaw lang?” he asks while looking around me.  “No. I’m with Kuya Anthony and Poochie. They are making hintay upstairs,” I shrugged.  I asked him if he had something to buy, but he just told me that he already sent his driver after buying some stuff. He is the son of a wealthy businessman. He grew up here in Ilo-ilo, so he is also more fluent in speaking Hiligaynon, unlike me.  Habang nag-iikot ako sa grocery ay nakasunod lang sa akin si Aj habang tulak ang pushcart na puno ng mga snacks ko. Inilagay ko ang huling bagay na kasya sa cart bago nakangiting nilingon si Aj. “Sa mga tingin mong ‘yan ayokong tulungan ka. Magagalit na naman sa akin si Yaya Tessa.” pag-alma niya agad kahit wala pa akong sinasabi sa gusto kong gawin.  “Hey, i haven’t said anything yet.”  “I know you. Tama na ang pagbili. Baka inaantay na tayo ni Poochie.” Tsk! I don’t have a choice but to follow him on the counter. I’ve been here for more than an hour looking around for something to buy. Then this guy came in and made me stop buying my favorite foods. Tsk! Like, duh!  Siya na ang nagbayad at nagdala ng mga pinamili ko. Pagdating namin sa cafe ay napangiti na lang ako ng makita ko si Kuya Anthony na tulog na tulog habang dinidilaan ni Poochie ang pisngi niya. At mukhang sa tagal ko ay nakailang kape na siya kakahintay na matapos ako.  I feel guilty for being a hoarder. “Nandito ka na pala. Ang dami mo na namang pinamili magagalit na naman si Yaya Tessa mo,” sita agad ni Kuya Tony ng makita ang dala ni Aj na mga plastic bag.  “I’m not kaya. You are making bintang, Kuya Tony ah!”  Napapailing nitong nilapitan si Aj at kinuha ang plastic na hawak. “Ikaw na lang sumama kay Aurora. Hihintayin ko na lang kayo sa kotse.”  “Let’s eat first,” pigil ko bago pa siya makaalis.  Ayaw pa sanang sumama ni Kuya Tony kasi nabusog na daw siya sa mga pagkain dito. But Dad always taught me that no matter how spoiled I am, I still have to treat the people around me with respect. I should give back the same respect I get from them.  Nasanay na ako simula ng maliit pa lang ako na dapat lahat ng tao o hayop ay dapat tratuhin na kapareha ng pagtrato ko sa iba. Mom would always remind me about it. Even though I don’t get a chance to spend more time with her when she’s still alive, I can still remember the words she always says when I am hurt, happy, sad, lonely and frightened. Words that always remind me that I am human.  Matapos naming kumain ay sinamahan na nga ako ni Aj na magikot-ikot sa mall. Daig pa nito ang bodyguard ko na laging nakaalalay sa akin kahit saan ako magpunta. “Ayos ka lang, Aw?” nag-aalalang tanong agad ni Aj ng may bumangga sa akin.  “Yeah. Thank you!”   “Aren’t you supposed to be asking me that? Look at the mess you made.”  The girl in front of us cried. She was going crazy over a stain that she can actually wash after. I doubt if her dress is much more expensive than Poochie’s socks. Tsk!  “Sorry Miss! Hindi rin namin kayo napan--”  Bago pa matapos ni Aj ang sinasabi niya ay kinuha ko ang inumin kong hawak niya at naglakad palapit sa babaeng walang tigil kakareklamo sa madumi niyang damit. “What? Are you going to pay for--Omg! Oh my gosh!” Hysterical niyang sigaw matapos kong ibuhos sa kanya ang isang basong latte sa kanya.  I can hear the gasping from the people near us. Tsk! I don’t care. Like duh, it’s her fault, and I don’t feel sorry about it when she’s also the reason why that thing happened.  “Aw, what did you do?” natataranta na hila sa akin ni Aj palayo sa babaeng ‘yon.  “What? It’s a spill but she acts like a crazy b***h!” I snorted on Aj, making the girl behind me go berserk.  “But it’s still--Oh, forget it. I will just talk to her,” Aj said and walked towards that crazy b***h.  Nakasandal lang ako sa isang gilid habang inaantay na matapos si Aj sa pakikipag-usap sa babaeng maarte na ‘yon. Kahit malayo ako ay naririnig ko pa rin ang walang tigil nitong reklamo. Ilang beses pa ako nitong tinapunan ng masamang tingin kaya ng akmang lalapitan ko sana sila dahil naiinip na ako. Ngunit hahakbang pa lang ako ay mabilis na akong napaayos ng tayo dahil sa sama din ng tingin sa akin ni Aj.  Tsk! Is it my fault that that girl is a b***h? She should just say it right away if she wants money, so we don't stay longer here. I can buy her more clothes than she expected. Habang naghihintay kay Aj ay nag-ikot na lang muna ako sa isang store na nakita ko. Pero bago pa ako makapasok ay isang pamilyar na babae ang nakita kong naglalakad palayo.  Sideview ko lang itong nakita, but I am sure she’s my step mom. But what is she doing here? I thought she’s with Dad in Manila? And when did she get home?  Habang sinusundan ang babaeng kamukha ni Tita Carina ay marami ding tanong ang nabubuo sa isip ko. Sinubukan kong tawagan ang numero niya pero hindi ko ito makontak gaya ng number ni Dad. I also tried to call Pamela but I also couldn't reach her.  “Where are you?” tanong ni Aj na bakas ang pag-aalala sa tinig nito.  “May binili lang. What happened to the girl?”  “I say sorry and pay for her dress.” Doon din pala mauuwi ang lahat pinahirapan niya pa ng husto si Aj. kung una pa lang ay sinabi niya na ang gusto niya tapos na ang lahat at hindi iyong kung ano-ano pa ang sinabi niya sa kaibigan ko. Wag lang talaga ulit magtatagpo ang landas naming dalawa dahil hindi na isang baso lang ang ipapaligo ko sa kanya.  “I’m just checking something. Meet you in a minute,” I said before hanging up. “Excuse me! Let me pass,” sigaw ko ng biglang dumami ang tao sa daraanan ko at halos hindi ako makasingit.  Hindi pwedeng mawala sa paningin ko ang babaeng ‘yon. Kailangan kong makasigurado na hindi sya ang babaeng inaasahan ko. Halos lakad takbo ang ginagawa ko para lang sundan ang babaeng nasa di kalayuan ko. Habang papalapit ako ng papalapit sa kanya ay lumalakas din ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.  “Don't think of making a fool of yourself as a reason for me to regret letting you enter our lives,” I whispered as my grip on my bag tighten.  But as I walk around following her. I didn't notice that I was holding myself back because I didn't know what to expect. Afraid that I might see something I shouldn’t have.  Tumigil ito sa isang restaurant at isang lalaki ang lumabas mula doon. At mabilis na yumakap at humalik sa kanya. Hindi ko namalayang kusa ng humahakbang palapit sa kanila ang mga paa ko. At ng haklitin ko ang braso ng babae ay ibang mukha ang nakikita ko.  It’s not Tita Carina.  It’s someone else.  "I'm sorry," I whispered as I turned around and walked away from them with a defeated shoulder.  Yeah, right.  You are being paranoid, Maria Aurora. She is in Manila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD