TRES
AURORA MARASIGAN
The things that most people lacked were LOYALTY, MONEY, POWERS, and a genuine person. Maybe they already had some of it, but it wasn't enough to make you happy or provide you with what you truly desire. Because, in my experience, material things always vanish swiftly.
“Where is my breakfast, Yaya Tessa?” I asked when she entered my room.
“Breakfast? Bakit may sakit ka? Bumaba ka doon sa kusina nandoon na ang almusal at ituwid mo ang dila mo bago ko ‘yan hilahin,” banta niya sa akin bago sinara ang pinto ng kwarto ko.
Nakasimangot akong sumandal sa couch na kinauupoan ko bago napilitang tumayo at hilahin pababa ni Yaya sa kusina. Kasabay kong bumaba si Tita Carina na sa unang pagkakataon ay nakita kong nagsuot ng pekpek short.
It was short enough that people could see your cave in a small move you do, so it is called that name. That was Yaya Tessa’s explanation when she saw me wearing such shorts. I almost died laughing when I heard her version of her reasons why they name those shorts pekpek.
I bet Yaya would be laughing if she sees Tita Carina.
My fifty-year-old stepmom is walking around the house wearing those freaking shorts. I bet the media would love to have this kind of news.
“Good morning, Aurora!”
“Good morning, Dad!” sagot kong bati din sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa trono niya habang hawak ang dyaryo.
Ngayon ang luwas niya sa Manila kasama si Tita Carina. Isang linggo lang daw sila doon dahil baka kung ano daw ang gawin kong kalokohan habang wala sila. Ginawa pa akong bata! Tsk!
Napapailing na lang akong natatawa habang pinapanood si Tita Carina na parang reyna na naglalakad sa hardin habang suot ang kanyang paboritong shorts. Hindi mo iisipin na asawa ito ng respetadong politician sa asal niya ngayon.
“Iyang stepmom mo kulang talaga sa pansin,” komento ni Yaya Tessa habang pinapanood namin si Tita Carina mula dito sa terasa sa kwarto ko.
Sa tuwing nagsasalita si Yaya ay parang naririnig ko ang anak niyang umiirit sa tabi ko. “Does it remind you of how you proudly parade your two-piece when we were in Miami?” nakangisi kong baling sa kanya na agad kinalukot ng mukha niya.
“Tsk! Maligo ka na ng matuwa ako sa ‘yo!” ingos niya bago lumabas ng kwarto ko.
Oh, I forgot! Rinrin and I are meeting our new client, which was stressing me out these past few days. It’s been a week since I met that jerk in the cafe and happened to be our client.
As Yaya Tessa said, there are events that we did not expect. So let's just accept the present and make way for it not to destroy what is happening now.
Pagpasok ko sa bathroom ay nakahanda na ang pampaligo ko. Pati ang damit na susuotin ko ay nakahanda na rin. Hindi ako masasamahan ni Yaya Tessa today dahil may kailangan siyang asikasuhin. Mabuti na lang at hindi busy si Rin kaya masasamahan niya ako. Hindi ako komportable kasama ang lalaking iyon kahit pa ba bilang isang propesyonal.
I was wearing a puff sleeve polka dot dress. The design fits perfectly on my chest up to my waist. I chose this dress to look elegant and a little formal for my meeting later. The dress is not revealing, and its neckline is just right, so my boobs won't come out.
As Rin says, the best dress always attracts its prey without making an effort.
“Are you really going to a meeting or you will seduce someone?” Tita Carina commented as she saw me.
I smiled and bowed my head a little bit. “Good morning too, Tita!” I said before closing the door to my room.
“At least mang-akit man ng lalaki ay dalaga. Masama kapag nang-akit siya ng iba tapos may asawa na,” Yaya Tessa commented.
They hate each other, and there was nothing we could do about it. Because it only meant that one of them had to leave when Dad and I sided with one of them.
Dumiretso ako sa hardin dahil nandoon si Dad at ng lapitan ko ito ay abala ito sa pagbilin sa mga tauhan niya dahil sa pagluwas nila ng Manila. Mukhang magiging bantay sarado na talaga ako ngayong luluwas na naman siya. Pagkatapos kong maayos ang condo ko sa Manila ay siguradong magiging malaya na naman ako.
“What’s the matter Princess?” tanong niya ng maupo ako sa tabi niya.
“Nothing. I am just waiting for Rin. I have a client to meet,” sagot ko bago sumandal sa balikat niya.
“Nag background check ka ba sa client mo na iyan?” tanong niya na mabilis ko na lang sinagot ng oo pra mapanatag siya at hindi na mangulit pa.
Kahit ang totoo ay hindi ko naman talaga ginawa. Dagdag pa ito sa trabaho ko at mukha namang matino ang lalaking ‘yon. Sadyang likas nga lang talagang gago at pakialamero.
Maya-maya ay dumating na si Rin-Rin dala-dala ang kotse niya. Isang Land Rover na kulay pula. Nagpaalam na ako kay Dad at sandamakmak din ang bilin niya sa aming dalawa ni Rin. siguradong bago ito umalis ay magbibilin pa ito kay Yaya Tessa.
“Saan ba kayo magmimeet niyang client mo?” tanong ni Rin habang abala sa pagmamaneho.
Inabot niya sa akin ang isang baso ng kape na binili niya sa daan habang papunta sa bahay. May kasama na rin itong croissant na paborito ko. Kapag kasama ko ito ay mas spoiled pa ako dito kesa sa Nanay niya. Kaunti na lang talaga ay palalayasin ko na si Yaya Tessa sa bahay eh.
Kung saan-saan dumaan si Rin para mabilis na makarating sa condo ng client ko. Doon kasi ang meeting place namin para macheck ko ang ilang details na wala sa mga litrato na binigay niya.
“Sabi ni Inay gwapo naman daw yong client mo. Bakit parang di ka masayang makita siya?”
Nakalimutan ko mana pala ito sa Nanay niya kaya usisera din. “I just don’t like him. Like, duh! Do i need a reason for that,” kibit balikat kong sagot sabay hawi ng buhok kong nilipad sa mukha ko.
“Ang arte mo! Isusumbong kita kay Inay na hindi ka nagtatagalog.”
“Tsk! I hate you!”
“Same to you, Aurora!” patuloy niyang pang-aasar sa akin.
“Yucks! Stop calling me that!” hampas ko sa kanya pero malakas lang itong tumawa dahil alam niyang ayaw ko nun.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa building kung saan kami magtatagpo ng client ko. Nakatayo ito sa entrance ng building habang may kausap na isang babae. Base sa nakikita ko ay mukhang close ang mga ito dahil sobrang touchy ang babae sa kanya at kung magtawanan sila ay parang kinikiliti ang isa’t isa sa singit.
Tsk! An early morning routine of flirting.
“Siya ba ‘yan? Mukhang gwapo nga,” komento ni Rin na nakatingin na rin sa kanila.
“I am not asking your opinion. Tsk!” irap ko sa kanya bago nauna ng bumaba.
Narinig ko pa ang malakas nitong tawa pagbaba ko. Ang lakas talaga mang-asar ng babaeng ito. Minsan ako na lang talaga ang sumusuko dahil hindi na kinakaya ng energy ko ang pagka hyper nito.
Habang naglalakad ako palapit sa kanya ay hindi ko maiwasang mapasimangot sa paraan kong paano tumawa ang babaeng kausap niya. Aantayin ko pa sana si Rin na makababa ng kotse bago maglakad papunta sa gawi ng client ko. Pero ng mag-umpisang magpaalam ang babaeng kausap niya ay lumapit na rin ako.
“It was nice seeing you, Miss Marasigan.”
The man in front of me said as if he was thrilled like what he said. I am having trust issues right now. Who won’t? Right?
“Where is the unit Mister Dimalupig?” pag-iiba ko ng usapan na ikinatawa niya ng malakas.
“Hindi ka naman excited na makasama ako noh?”
“You are not mahangin din ano?” I snorted before I could pass by him.
Halos umalingawngaw ang malakas niyang tawa sa buong lobby ng building. He really is happy, and it’s pissing me off. It’s pissing me off that he is acting as if we were close.
Sa inis ko sa kanya ay inantay ko na lang si Rin para sabay kaming umakyat ng condo. But she is taking her time and still doing something inside the car. So, I don’t have a choice but to go with my mahangin customer and wait for Trinity upstairs.
The building of his condo is excellent. The color and design of the building look so fresh in the eyes.
Ilang beses nagtangka akong kausapin ni Mister Dimalupig, but I always end up shutting my mouth. I don’t know why I don't like this guy. Maybe it’s because of my first impression of him.
“This is yours?” hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya ng marating namin ang penthouse ng building.
Natawa ito bago napakamot sa ulo. “Ah, pinarahim lang ito ng kaibigan kong nasa ibang bansa. Inaayos ko na din para pag-uwi niya ay maayos na ito.” He explained while walking around the entrance.
More on glass wall ang gamit nila sa loft nila kaya talagang maganda ang view at kitang-kita mula dito sa taas. Based on my research about the building, it also has a daycare center and a gym here. So all the amenities are almost complete, and that’s the best thing because you won’t need to get out just to do your thing.
Pinaupo niya ako sa sala at saglit na iniwan. Pagbalik niya ay may dala na itong juice at cakes. Napapailing na lang akong nilabas ang mga folder at ipad na dala ko para mag-umpisa na kami ng meeting.
“Hindi naman ako nangangain ng tao. Can you relax a bit?” Eugenio said.
“You know what Mister Dimalupig--”
“Gene nalang. Masyadong formal kung tatawagin mo ako sa buo kong pangalan,” aniya ng maupo sa couch na nasa gawi ko.
“Whatever! I am here to do the job you are asking not to be friends with you. Like duh! I am not interested,” I said as I waved my hands at him.
And to my surprise, he holds my hand and places a kiss before a sly smile appears on his lips. “Sorry to hear that, Miss Marasigan. But I am interested in getting near you,” he whispered in a husky voice.
Sa gulat ko ay mabilis kong nahila ang kamay ko at agad na lumayo sa kanya. Parang bigla akong napaso sa ginawa niya sa akin. Oh, God! Where the hell is Trinity? This man is taking advantage of me.
“Stop doing that. You are molesting me!” I couldn’t help but shriek at him.
“Sorry. I am just being friendly," he said making me more annoyed at his rudeness.
"Friendly? Being touchy and invading my personal space. Is that what you call friendly? Really?”
Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya nagpasya muna akong lumabas at saglit na magpahangin. Iyon ang unang beses at talagang natataranta ako ng husto. Hindi ko inaasahan ang gagawin niya kahit pa biro lang ito. Walang tigil ko tuloy tinawagan si Rin dahil hindi ako mapakali ng mag-isa kasama ang lalaking ‘yun.
Naging alerto ako ng lumabas siya sa pinto pero hindi niya ako nilapitan. “Sorry kung nagulat kita kanina. I was just making fun at you. I won't do it again,” aniya ng lumabas siya. “I swear,” dagdag niya pa ng hindi ako sumagot sa sinabi niya.
Wala akong nagawa kung hindi ang maniwala sa kanya dahil lalabas naman na unprofessional ako kapag hindi ko ito tinapos. Sabay kaming bumalik sa loob at muling naupo sa sala. At ginawa niya naman ang sinabi niya kaya mabilis kong naipaliwanag ang mga ayos na pwedeng gawin sa buong unit. Ang mga designs na pwede niyang pagpilian ay ibinigay ko na din.
“Tatawagan na lang kita para sa designs na mapipili namin. Tatawagan ko pa din kasi ang kaibigan ko. Pwede mo akong puntahan sa Casa El Pecado doon ako nagtatrabaho kung may iba pa akong kailangang malaman,” he said before i get up and bid my goodbye to him.
Oo kailangan mo ulit ireview kasi hindi ka naman nakikinig sa akin. Tsk!
Nagpaalam lang ako sa kanya bago ako nagmamadaling umalis. Kanina pa kating-kati ang mga paa kong makaalis sa lugar na iyon dahil para akong sinasakal habang mas tumatagal akong nananatili sa lugar na ‘yon. Pakiramdam ko habang nagpapaliwanag ako ay hindi naman talaga designs ang tinitingnan nya.
Nagpresinta pa itong ihahatid ako na hindi ko na pinayagan dahil sobrang naiilang na talaga ako. Hindi na ako komportable sa company niya dahil nawalan na ako ng tiwala na isa siyang mabuting tao.
After all, maybe Dad is right to check the background of the people I’ll have transactions with every time.
At habang nasa elevator ay inayos ko ang mga dala ko dahil sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na ito nagawang ayusin pa. At isang papel ang nahulog mula doon ng pulutin ko ito ay halos malaglag ang panga ko sa gulat sa nababasa kong nakalagay.
Casa El Pecado
Eugenio “Gene” Dimalupig
Your all night entertainer and all night lover!