KWARENTA Y TRES AURORA MARASIGAN NILINGON ko ang lalaking nakahiga sa tabi ko at mahimbing na natutulog. Hindi nito alintana ang sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Mataman ko siyang pinagmasdan dahil baka sakaling magbago ang kung anuman ang nakikita ko. Ngunit habang nakatingin sa kanya ay parang mas lalo lang akong nahihipnotismo at nalulunod sa dala niyang karisma. “Hindi ko alam kung ano ang rason mo sa mga bagay na ginagawa mo ngayon. Pero sana kung gagamitin mo ako ay gamitin mo lang ako at huwag ng hayaan pang mahulog lalo sayo,” bulong ko habang hinahaplos ang pisngi niya. Ilang minuto ko pa siyang pinagmasdan bago ako naunang bumangon at naligo. At paglabas ko ng banyo ay muntik na akong mapatalon sa gulat dahil ang lalaking iniwan kong natutulog kanina ngayon ay pre

