KATORSE AURORA MARASIGAN “Rara, lapit pa ng kaunti para ka namang napapaso,” sigaw ni Arman ang photographer namin ngayon. Nandito kami sa seaside para sa pictorial ng swimwear na minomodel ko din. Pang ilang design at shot na ito pero pakiramdam ko ay parang hindi pa kami matapos-tapos. I am wearing white two-piece crochet with a dream catcher design on top. It’s nice and comfortable because the yarn is soft and the skin is quite thick, so it’s not embarrassing to wear. Pagod akong naupo ng manghingi ako ng break kay Arman. Nagulat pa ako ng isang tuwalya ang dumantay sa balat ko. Nang tumingala ako ay ang nakangiting mukha ni Aj ang bumungad sa akin. “Tired?” I pouted and nod. “I bring you food.” Nang marinig ang sinabi niya ay agad na nagbago ang anyo ng mukha at lumapad ang

