Chapter Ten

1790 Words
Chapter Ten JOB BIGLA-BIGLA na lamang nanggugulat ang lalaking ito. “Puwede ba Philip iwasan mo na ako. Ayaw ko nang madamay sa gulo niyo ni Anica. Gusto ko lang maging normal ang buhay ko kaya please lang. Lubayan mo na ako,” talak ko. Nagiging magulo kasi ang buhay ko dahil nadadawit ako sa problema nila sa kanilang buhay. “Paano naman ako iiwas sa 'yo kung magkagrupo tayo sa isang subject? Huwag mo na lang pansinin ang sinasabi ni Anica. Hindi naman totoo iyon. Hindi ako ang ama ng dinadala niya. Sorry,” aniya. Bakit siya nagsosorry? Bakit siya nagpapaliwanag? Gosh! Sumasakit ang aking ulo dahil sa kanya. “No need to explain okay. Labas na ako diyan at pwede bang pakilinaw sa lahat ng tao rito sa campus na wala tayong relasyon. Pakisabi sa kanila na walang namamagitan sa atin,” “Paano kung ayaw ko?” “Ano ba Philip! Pagagalitan ako ng Papa ko kapag nalaman niya. Totoo namang wala tayong relasyon diba? Bakit hindi mo sabihin sa kanila para naman hindi nila ako basta-basta hinuhusgahan. Hindi ko ugali ang makipag-agawam ng lalaki kaya please lang, find some way para linisin ang pangalan ko. Hindi ka naman kasi ganun ka-pogi para pag-agawan,” masungit na saad ko. “Talaga ba? Hindi ako pogi? Eh ano yung narinig kong sinabi mo kagabi sa tawag?” nakangiting tanong niya. Shocks! Mali yata na binanggit ko pa yung huli. “Bakit niyo ako pinag-uusapan kung sino man yung kausap mo kagabi?” sambit niya saka unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mukha kaya ko siya itinulak. “Mauuna na ako,” paalam ko ngunit hinila niya lang ulit ang aking kamay. “Ano pa bang kailangan mo Philip? Ang kulit mo naman eh!” “Ibibigay ko lang naman yung panyo mo. Nakita ko kanina doon sa inupuan mo,” wika niya saka niya inilabas ang panyo mula sa kanyang bag at iniabot ito sa akin. Pagkakuha ko ng iyon ay naglakad na ako palayo sa kanya. “Thank you ha?” sarcastic na sigaw niya. Mabuti na lang at wala ng masyadong tao sa department namin dahil kung hindi, madadagdagan na naman ang issue ko dito. Hindi ko na lang siya pinansin at hinintay ko na sa labas si Hazel. Umupo lang ako ulit sa bench na inupuan ko kaninang umaga sa Educ park saka ko inilabas ang aking cellphone dahil makikinig ako ng music. Alas-tres pa lang naman kaya tatambay na muna ako. Nang biglang... “Hoy layuan mo na si Philip!” wika ni Anica pagkalapit niya sa akin. Gosh! Paulit-ulit na lang. Ano bang nagawa ko sa kanila at ganito ang galit nila sa akin? Wala naman akong balak na agawin ang Philip na iyon. Pinatay ko ang music sa aking cellphone saka ko siya tinitigan. Umupo naman siya kaagad sa katapat kong upuan at humalukipkip pa siya saka niya ako pinagtaasan ng kilay. Maganda naman siya pero bakit sila naghiwalay ni Philip? Well, it's none of my business na pala. “Tititigan mo na lang ba ako? Wala ka bang sasabihin ha? Baka gusto mong sabunutan pa kita,” masungit na aniya. Pinagbantaan pa ako. “Sumagot ka babaeng haliparot. Layuan mo si Philip. Mang-aagaw ka ng boyfriend ng may boyfriend!” “Wait nga Anica. Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na wala akong relasyon sa Philip na iyon. Ilang ulit ko bang ipapamukha sa 'yo na wala akong pakialam sa problema niyo. Classmate ko lang si Philip at kasama sa report sa Rizal subject namin kaya paano niya ako iiwasan? Huwag niyo akong idamay sa kabaliwan niyo. Resolbahin niyo iyan ng hindi niyo ako sinasali,” sagot ko dahil naririndi na ako sa kaingayan ng babaeng ito. “Talaga ba? Maka-deny ka rin eh. Akala mo hindi namin malalaman ang lahat na itinatago niyo ang relasyon niyo? Ikaw ang dahilan kung bakit niya ako iniwan. Ikaw ang dahilan kung bakit ayaw niya akong panindigan! Malandi ka!” “Excuse me? Wala akong alam sa sinasabi mo. Ikaw ang gumawa ng dahilan kung bakit ka niya iniwan. Ikaw ang gumawa ng rason kung bakit ayaw ka niyang panindigan. Huwag niyo akong idamay sa issue niyong iyan. Labas ako diyan,” litanya ko saka ko tumayo at kinuha ko ang aking bag. “Saan ka pupunta ha? Hindi pa tayo tapos!” “Kung hindi ka pa tapos, puwes ako, tapos na,” sabi ko saka ko siya tinalikuran. Nang bigla siyang magsalitang muli. “Huwag mong hintayin na idamay kita sa mga mangyayari dahil magsisisi ka kung hindi mo hihiwalayan si Philip,” Hindi ko na rin pinansin ang sinabi niya dahil siguradong ma-iistress lang ako. Nababaliw na yata ang babaeng iyon. Kung anu-ano na ang kanyang sinasabi. Nagtungo ako sa Midpoint canteen para doon na hintayin si Hazel. “Ate, pabili po ng ice cream,” saad ko saka ako tumingi ng bibilhin ko sa loob ng freezer. “Pili ka lang hija,” sagot naman niya. Pagkakuha ko ng Ice cream na nasa cup ay nagbayad na rin ako saka ako pumwesto sa bakanteng upuan na nasa gilid. “Job, anong pinag-usapan niyo ng babaeng ex-girlfriend daw ni Philip? Malayo namang mas maganda ka kaysa sa kanya kaya huwag mong hiwalayan ang boyfriend mo dahil bagay na bagay kayong dalawa,” biglang saad ni Mae, isang Educ. student na TLE major. Isa pa ito. Gosh! Anong nangyayari sa campus na ito? They are spreading a very fake news. Ayaw ko nang magsalita kaya nginitian ko na lamang siya dahil kapag sinagot ko ang kanyang katanungan, tiyak na hahaba na naman ang usapan. So better to zip my mouth. Eksaktong pagkaubos ko ng ice cream ay tumunog na ang aking cellphone. Kinuha ko kaagad iyon mula sa aking bag at nakita ko sa screen nito ang pangalan ni Hazel kaya sinagot ko kaagad. “Nasaan ka na? Palabas na ako ng department,” bungad niya. “Nandito ako sa Midpoint canteen. Dito na lang kita hihintayin,” sagot ko. “Sige bes. I'm on my way,” aniya saka niya pinatay ang tawag. Tumayo muna ako sandali saka ako bumili ng tubig pagkatapos ay umupo ulit ako. “Hala ka bes! Kumain ka na naman ng ice cream. May practice tayo diba?” ani Hazel nang makita niya ang pinagkainan ko ng ice cream. “Keri lang bes. Hindi naman siguro ako mawawalan ng boses sa Sunday. Gusto mo ba? Kumain ka muna bago tayo umuwi,” suhestiyon ko. “Ikaw talaga. Huwag na. Umuwi na tayo. May practice pa tayo,” aniya sabay hila sa akin. SUMAKAY nga kami ng tricycle papunta sa amin at dumiretso kami sa church. Nadatnan namin doon sina Paul at Josh. “Job, for you,” ani Paul sabay abit sa akin ng Chocolate. “Naku! Salamat Paul. Nag-abala ka pa,” saad ko saka ko tinanggap ang hawak niya. “Wala iyon. Baka kasi nagsasawa ka na sa donut kaya iyan na lang ang binili ko tapos ito,” sabi niya saka niya inilabas mula sa kanyang likuran ang isang Pulang Rosas. “Yieehhh!” hiyaw naman ng aming mga kasamahan. Gosh! Ito na ba ang sinasabi ni kuya? Ito na ba yung kilig moment na sinasabi niya kanina sa sasakyan? Well, honestly kinilig ako. Hindi ko naman first time na makatanggap ng bulaklak pero iba lang kasi yung feeling kapag sa taong crush mo nanggaling. “Practice na muna. Mamaya na iyang ligawan session niyo,” pang-aasar ni Josh kaya ngumiti na lang kaming dalawa. PAGKATAPOS ng aming practice ay nagkanya-kanya na rin kami ng uwi pero hinatid ako ni Paul sa aming bahay. “Ma, Pa, hinatid po ako ni Paul,” bungad ko nang makapasok kami sa loob dahil nasa sala sina Mama at Papa. Nagmano naman kaming dalawa ni Paul bago umupo sa sofa. “Mabuti naman anak. Kung magiging kayo, dapat alam namin,” wika ni Papa. “Salamat po Pastor,” sagot naman ni Paul. Ayaw ko namang pumasok sa buhay ng may karelasyon. Parang hindi pa ako ready. Gusto ko munang makilala ng lubusan si Paul. Bahala na. Hindi naman siguro ako pipilitin ng mga magulang ko. NANG makaalis si Paul ay nagtungo na rin ako sa kwarto para magbihis. Bumaba lang ako sandali para magtimpla ng kape saka ako umakyat ulit sa taas. Inopen ko ang phone ko saka ako nagfacebook. Nag-scroll lang ako nang nag-scroll hanggang sa may mag-pop up na chat sa aking messenger. Hindi kaagad nagpakita ang profile picture nito kaya hindi ko alam kung sino. Binuksan ko iyon at binasa ko ang kanyang pangalan dahil may pinadala siyang picture. “The Black s**t? Sino ito? At bakit ganito ang kanyang pangalan?” Inopen ko ang picture at tumambad sa akin ang litrato namin ni Philip. Picture namin iyon kanina sa department pagkagaling ko sa CR. Nakasandal ako sa pader habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa aking braso. Sino naman kaya ang kukuha sa amin ng litratong ito? And who is The Black s**t? Imemessage ko na sana siya ngunit na-blocked na niya ako. Hindi na ako magtataka. Siguro ay isa ito sa mga alipores ng Anica na iyon. Hanggang kailan nila ako balak sirain? Bakit hindi na lang nila ako tantanan ng sa ganoon ay walang problema. Anyway, I ignored na lang the message para wala akong sakit sa ulo. Bahala na silang mag-isip ng kung anu-ano against me. Bahala na ang nasa itaas. Nang magtawag si Mama para kumain ay bumaba na rin ako dahil Alas-syete na at dumating na rin si kuya. “Bunso, I bought Isaw and Meat Barbecue for you. And of course Milk Tea,” nakangiting sabi niya nang makita niya akong pababa na ng hagdan. “Really? Aww, so sweet. Salamat kuya,” saad ko saka ako lumapit sa kanya at binigyan siya nang mahiglit na yakap. “Sinasanay mo na naman iyang kapatid mo,” singit ni Papa. “Hayaan niyo na po Pa. Para naman kapag siya na ang may trabaho, ako naman ang sasanayin niya,” nakangiting sagot naman ni kuya. AFTER naming kumain ay nag-urong na rin ako ng aming mga pinagkainan saka ko hinugasan ang mga iyon. Naghalf-bath na rin ako saka ko ginawa ang aking skin care and then humiga na sa kama. Wala naman na akong gagawin dahil nagawa ko na ang presentation ko for nextweek and wala rin naman kaming assignment. Nabasa ko na rin lahat ng notes ko kaya okay na. Nanonood ako ng Youtube nang biglang may tumawag. It is an unknown number. I know it is Philip. Naalala ko kasi yung kanyang last number. Hindi ko iyon sinagot at hinayaan ko na lamang na kusang tumigil ang pagtunog nito hanggang sa tumunog nga ulit iyon but this time, text message na. From: Unknown number Job, sagutin mo please. Ito ang laman ng kanyang text kaya naman nang muli itong tumawag ay kaagad ko nang sinagot. “Bakit ba? Anong kailangan mo na naman?” iritadong tanong ko. ---- “What!” End of Chapter Ten
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD