Chapter Thirty- Three PHILIP HANGGANG makauwi ako sa bahay ay iniisip ko si Job at ang lalaking sumundo sa kanya. Ano ba 'to Philip? Bakit ka ba nakakaramdam ng ganito? Hindi ako nakatiis kaya naman tinawagan ko siya. "Churchmate mo? Bakit kailangang hawakan ka sa bewang? Lalaki pa rin yun," sagot ko nang sabihin niya kung sino iyon. Tang-*na! Parang iba na itong nararamdaman ko. "Inalalayan lang naman niya ako para makasakay. Alam mo namang may pilay ako diba?" "Oo pero bakit kailangan niyang hawakan iyang bewang mo? Naku naman Job," Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil sa sinabi niya. "Bakit ba napaka-OA mo? Nagseselos ka ba?" "Oo!" diretsong sagot ko dahil pakiramdam ko may gusto na ako sa kanya. Nagkatotoo na ba yung mga sinabi ng ugok kong mga kaibigan? "Ha-hah?" "Wa

