Chapter Twelve PHILIP MAAGA akong nagising dahil umuwi ako sa bahay. "Kumain ka na muna Philip," wika ni Mama pagkarating ko ng bahay. "Huwag na po. Sa canteen na lang sa campus," sagot ko saka ako dumiretso sa aking silid. Naligo naman na ako sa bahay nina Alex kaya naman nagbihis na lang ako ng aking uniporme saka ko tinanggal ang aking mga maruruming damit na ansa aking bag. Nagsuot na rin ako ng sapatos saka ako lumabas sa akinv kwarto. "Alis na po ako," paalam ko saka ako nagtungo sa labas at sumakay aa aking motor saka ko binaybay ang daan papunta sa aming eskwelahan. Maaga pa naman at paniguradong wala pa ang mga kumag kong kaibigan doon sa campus dahil mga tulog pa nang umuwi ako. PAGKARATING ko sa campus ay nagpark agad ako saka dumiretso sa canteen na malapit sa departme

