Chapter Forty- Five PHILIP NASIYAHAN ang aking puso nang tawagan niya ako para kumain. Sinadya kong hindi kumain dahil nawalan na ako nang gana. Ang tagal kong naghintay para sabay kaming kumain ngunit hindi pa siya dumadating kaya naman nagtungo na lang ako sa court. Nang patayin niya ang tawag ay kumaripas na ako nang takbo habang nakangiti. Habang siya ay kumakain, nakatitig lang ako sa kanya at hindi ko maikubli ang ngiti sa aking mga labi. Sobrang saya ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang labis na tuwa. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong banggitin ang tatlong pinakamatamis na salita. Mahal ko na siya. Iyon ang alam ko. Sa wakas ay nasabi ko na iyon sa kanya. Ngunit nasira ang oras na iyon nang biglang dumating si Sandra. Tang-*na! Ano na namang ginagawa niya rit

