Hindi mapigilan ni Maggy ang pag-agos ng luha ng makita ang hitsura niya sa harapan ng isang malaking salamin habang suot ang wedding gown na mismong Mommy niya ang nag tahi at nag desensyo ng nasabing gown. Alam niya na halos 1 at kalahating taon iyon ginawa ng Mama niya para lang isuot niya. Ayun kasi dito ipinangako daw nito sa kanilang 3 na ito ang mag tatahi ng damit na susuotin nila sa kasal nila. Ngunit hindi niya inaasahan na ganun pala ka elegante at glamorosu ng naturang gown, para siyang reyna at anak ng royal blood. "Ate, baka masira ang make-up mo." wika ni Mikay na siyang maiden of honor niya. Napatingin naman siya sa kapatid na nasa reflection ng malaking salamin. Puti lang ang motif ng kasal niya kaya parang wedding gown na din ang suot ang kapatid ang kaibahan lang hindi

