"Anong tinitingnan mo?" tanong ni Megan sa asawa na nakitang nasa balcony at nakapangalumbaba na parang malungkot. Mas lalo pang nagtaka si Megan ng bumuga ng hangin si Railey. Hindi talaga siya sanay basta seryoso ito at si Skyler parang magugunaw na ang earth kapag ganito pag mumukha ng dalawa. Hindi niya alam kung ano nanaman problema ni Skyler at nasa bahay nanaman nila kesa umuwi. Pag silip niya na tanaw niya si Yuan, Travis at Caleb na nasa pool kasama ang mga asawa ng mga ito at nag swi-swimming at parang may idea na siya kung bakit malungkot ang dalawang kurimaw na ito. "Ganyan na ganyan ang katawan ko kung hindi pa ako nilalaspag ng asawa ko." ani Skyler. "Sino ba? Ganyan na ganyan din ang katawan ko noon kaya patay na patay sa akin si Menggay kaya galit na galit ang biyenan ko

