Naka nguso naman si Maggy habang tulak-tulak ang cart sa loob ng supermarket sa isang mall, ayaw sana niyang sumama sa pag gogrocery sa ama ni Travis pero wala na siyang nagawa ng bigla na lang itong dumating sa bahay ni Travis kaya naman katakot-takot ang bilin niya kay Manang Frisca na bantayan ang binata dahil nandun nanaman si Ailyn na talagang nakagawa pa rin ng paraan na makapasok gamit ang mga bata. Idagdag pa si Nurse Annie na parang kating-kati na mabosohan si Travis kaya naman kanina isinabay na niya si Travis sa paliligo niya na talaga naman galit na galit ang ina ni Travis pero wala na itong nagawa. Bilin pa niya kay Travis na wag iihi hanggat wala siya or mag lock lagi ng kuwarto which is alam niyang hindi puwede dahil nga sa case nito na hindi pa masyadong nakakakita. "Hindi

