"Kinakabahan ako sa gagawin natin ito, 'di kaya tayo pumanaw nito ng maaga." wika ni Skyler habang nasa harapan sila ng bahay ni Skyler kung saan naroon ang mga asawa nila na nag titipon-tipon na mukhang may pa meeting de abanse nanaman ang asawa niya at nag sama-sama nanaman ang mga ito. Tiyak na may balak nanaman ang mga itong gawin lalo pa't pinalayas sila, alam na nila ang galawan ng mga ito basta wala sila sa mga tabi ng mga ito. Kaya bago pa maisipan ni Menggay na gumawa nanaman ng anumalya kailangan na nila kumilos. At ang target ay si Menggay lang dahil ang asawa lang niya talaga ang promotor ng lahat kaya kapag na amo' na niya si Megan tiyak na aamo na din ang mga asawa ng kaibigan niya. "Umayos kayo para isang bagsak na tamang-tama nandito ang mga amazona natin asawa. Mag ready

