NAGING maayos ang lahat sa buhay ni Yaminah. Maganda ang wedding nila ni Rashid. Halos lahat sa kaharian nila ay nakisaya sa isa sa pinakamalaking event sa Saranaya. Mahalaga rin iyon. It was the union of the future King and Queen of Saranaya. And everything was going well, lalo na at ilang buwan pagkatapos ng kasal nila Yaminah at Rashid ay nalaman nilang buntis siya. Masayang-masaya silang dalawa, ganoon rin ang kanyang ama. "A grand son or a grand daughter, I don't care! I just want this family to be bigger. Congratulations to the both of you," wika ng kanyang ama nang malaman ang balita. Nagpa-party pa ito sa palasyo ng dahil roon. Makikita rin ang kasiyahan ni Rashid dahil sa nangyari. Kahit ang pamilya nito sa Pilipinas ay ganoon rin. Ang anak nila ang magiging unang apo sa pareho

