Present NANG magising ulit si Yaminah ay itinigil na niya pantasya kay Rashid. Ginawa na niya ang kanina pa dapat niya ginawa: ang lumayo rito. Tulog pa rin ang lalaki kaya mas naging madali sa kanya ang pag-alis. Tumingin si Yaminah sa orasan sa kuwarto bago lumabas. Mag-aalas kuwatro pa lang ng madaling araw. Bahagyang nakahinga siya nang maluwag. Ibig sabihin ay wala pang gising sa palasyo. Kung mayroon man ay kaunti lang rin iyon. Kaunti lang chance na makita na nagsama sila ng asawa sa iisang kuwarto nang matagal. Nahihiya siya. Alam ng mga kasambahay ang relasyon nila ng asawa. Pero mabilis rin na nanikip ang dibdib ni Yaminah nang magkamali siya ng akala. Pagkalabas niya ay nakita niyang nagtatakbuhan ang mga kasambahay sa hallway. Nawala ang pagiging conscious niya. Sa halip, na

