"ARE YOU out of your mind? Kailangan mong bumalik! Alam na ng council na wala ka ng bansa sa hindi maintindihan na dahilan. Nagtataka sila." Inis na inis si Yaminah. Napakatagal bago sagutin ni Rashid ang cell phone nito. Hirap na hirap siyang contact-in ito. At ngayon ay pahihirapan pa siya nito. Wala pala talaga itong balak na bumalik. Nalaman niyang pumunta ito sa Pilipinas pagkatapos ng pag-aaway nila sa harap ni Tariq. Napakalaki na ni Rashid para mag-inarte. Ang sinasabing council ni Yaminah ay mga miyembro rin ng royal family. Karamihan sa miyembro noon ay mga sheikh o pamilya ng mga ito na siyang namumuno sa State na kabilang sa Saranaya. Ang council rin ang law makers at malaki rin ang kapangyarihan ng mga ito para pakialaman ang rulers sa Saranaya. "The country needs a leader.

