RUSTY TABALANZA Okay na sana, eh. Alam mo iyon? Nasa alapaap ma ako dahil sa sobrang saya. Nasa cloud-nine na ako. Pero biglang lagapak ko sa kalupaan at nauna pa ang mukha ko sa pagplakda. Halos kainin ko na nga ang dila ko dahil hindi ako makapagsalita dahil na spellbound talaga ako sa ganda ni Bella. Na-mesmerise ako sa ganda niya. Walang anggulo na masasabi mong pangit sa mukha niya. Tapos ang katawan, grabe! Ang liit ng baywang, ang haba ng biyas, at ang dede? Hindi man malaki, hindi rin maliit! Bakit lahat na lang nasa kanya? Sabagay, hindi pala lahat, dahil ngayon, sa akin na si Krypton. Pero nang tingnan ko si Krypton ay halos mapapadayak na ako at umiyak. Titig na titig kasi siya kay Bella, eh. Na-miss niya kaya ang ex niya? Malamang sa malamang. Obvious naman, eh. Sa tin

