RUSTY TABALANZA “Good morning,” bati sa akin ni Krypton nang makababa ako. Halos magulat pa ako nang makita siya ngayon. Ang buong akala ko kasi ay sumama na naman siya kay Bella. Well, ano ba ang karapatan ko kung gawin niya nga iyon. Lovers silang dalawa, samantalang ako ay saling-pusa lang. Nang makabawi sa pagkabigla ay saka ako umupo. Sa kabila ng pinagdaanan ko kagabi ay ngumiti pa rin ako sa kanya. Hindi ako dapat magtanim ng sama ng loob sa kanya lalo pa at ang lakas ng loob kong sabihin sa kanya na okay lang ako at handa ko siyang palayain ano mang oras niya gusto. “Kain na.” Tumayo siya at binigyan ako ng plato. Ipinagsandok niya rin ako ng kanin at ulam. Mabait siya ngayon, ah. Mukhang bumabawi sa kalokohan na ginawa niya kagabi. Kalokohan, Rusty? “Psh!” Dahil sa s

