Kabanata 6 NAKAUPO si Airin sa may bench sa may gilid ng open court habang pinanonood ang practice game nila Les. Ka-doubles nito si Cloud at ang kalaban ng mga ito ay sina Guji at Reus. At base sa nakikita niya, walang kapupuntahan ang pairing ni Guji at Reus. Paano ba naman, puro pagtatalo na lang ang ginagawa ng dalawa. Men! "Damn it! Wala na ba kayong ibang gagawin kundi mag-away, ha, Guji, Reus?" Tiningnan ni Airin ang galit na sumigaw na iyon na si Coach Enzo. Parang gusto na niyang ipagdasal ang kaluluwa ni Guji at Reus nang makita ang seryosong mukha ni Enzo. Parang anumang sandali ay bubugahan nito ng apoy ang dalawang lalaki. No wonder Enzo was the coach-s***h-captain of SVU's tennis club. He was that scary. May babae kayang makakatagal dito? "I already told you, Coach. I d

