Kabanata 8 "DAPAT hinayaan mo nang ako ang nagbayad para sa entrance ko," sabi ni Airin saka nameywang. Pinagtaasan lang siya ng kilay ni Les bago ikulong sa palad nito ang bisig niya. "Wala ka nang magagawa, nakapagbayad na ako." "Still..." "It's been done and paid for." Napasimangot si Airin. "Hmp. Bully." Tumawa si Les saka pinisil ang tungki ng ilong niya. "Don't pout. Halikan kita d'yan, sige ka." Sige nga, kulang na lang ay isigaw niya 'yan. Hindi niya namalayang napangisi na pala siya kung hindi pa 'yon p-in-oint out ni Les. "Bakit nakangisi ka? Naughty thoughts?" pang-aasar nito. "As if!" todo deny siya. "'Sus." Inirapan ni Airin si Les pero mayamaya'y napangisi din. Nang makapasok sa Ocean Park ay kaagad na inilibot ni Airin ang tingin sa paligid. There were families,

