*ROZ POV* Napakunot ang noo ko pagkapasok sa loob ng bahay ni bossing. Naabutan ko na nakaupo sa sofa yung babaeng kasama nya sa Hamilton noon. Tsk! Anong ginagawa nito dito? Alas nuwebe pa lang ng umaga. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong may naisip. No, no, no... Hindi pwedeng dito natulog ang babaeng ito. Ewan ko pero mainit talaga ang dugo ko sa kanya at naiinis ako kapag naaalala ko yung gabing kasama nya si bossing at nakita sila ni Deveraux. Maganda naman yung babae at sexy din pero mabigat pa din talaga ang loob ko sa kanya. Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon nya, agad naman syang lumingon sakin at sumilay ang ngiti sa labi nya. "H-hi, anong ginagawa mo dito ikaw yung P.A ni Wes diba?" tanong nya sakin. Tss. Hindi ba obvious? Tanga-tangahan pa eh. "Oo, nandyan ba

