FINAL CHAPTER - Nakangiti si Deveraux habang inaayusan sya ng kanyang make-up artist. Kasalukuyang nasa tabi nya ang dalawang kaibigan na si Shane at Charie. "Devi makakarating daw ba si Drake?" tanong ni Charie sa kanya. Mukhang hindi mapakali si Charie habang tinitingnan ang cellphone nito. Si Drake ang kapartner nito sa mga abay na kinuha nila. Actually, nagtalo pa sila ni Wes nang kunin nyang abay si Drake pero sa huli ay pumayag din naman ito at sumuko sa kanya. Nalaman nya na si Drake pala ang nasa likod ng pagpapaayos ng mukha nya, sinabi iyon ni Charie sa kanya at hindi nya akalain na gagawin yon ni Drake. Nagsabwatan ang mga ito para mapapayag sya at pinalabas na libre ang operasyon pero ang totoo ay malaki din ang nagastos ni Drake. Nahihiya sya dito pero ilang beses ng sina

