Maghapong nakatulala si Wes at tila wala sa sariling huwisyo habang nakaupo sa couch. Isang buwan na... Isang buwan na ang mabilis na lumipas matapos maganap ang insidente ng paghaharap nila ni Brando. Hindi nya alam kung ano na ang nangyari sa mga ito pagkatapos ng araw na iyon. Wala na kasi syang koneksyon sa mga ito. May usap-usapan na umalis na daw si Brando ng bansa at si Cadvinn ay namatay na dahil kinitil nito ang sariling buhay. Labas na sya doon, tapos na ang ugnayan nila at napatunayan na nya sa mga ito na wala syang kasalanan, nabigyan na rin nya ng hustisya si Brenda. Ang buong akala nya ay tapos na ang problema nya at magiging maayos na ang lahat para sa kanya pero hindi pa pala. Ang sarili pala nya ang magiging matinding kalaban nya. Masyado na syang kinakain ng depresyo

