Kagat-labi akong nakikipagtitigan sa kisame, nakasapo ang mga palad ko sa aking tiyan. Nagngingitngit ako sa sakit. Si Russel naman ay halos masigawan na niya ang mga nurse at mga doktor dito. Hindi ko rin siya masisisi, ito ang unang beses na magiging magulang na kami at alam kong natakot na siya sa oras na may mangyayari sa amin ng anak niya ng masama. Naiitindihan ko siya. Kahit ako ay kinakabahan at natatakot pero pilit kong tatagan ang aking sarili. Kailangan kong lakasan ang aking loob, hindi lang para sa asawa ko, para na din sa unang anak namin. Tinawagan na din ni Russel ang kaniyang mga magulang, maski ang kaniyang mga kapatid na tiyak ay paparating na din sila anumang oras. Hindi na yata madrawing ang mukha ko. Naiinis na ako, pumutok na ang waterbag ko kanina at hindi pa agad

