Tumapak ako sa isang malawak na silid na tinutukoy nilang guest room. Hinatid ako ng isa sa mga pinsan ni Russel na si Sir Vladimir at ang asawa nitong si Madame Inez habang hinuhupa pa nila ang mga gulo sa receiving area. Pinapakalma pa nila si Sir Keiran samatalang si Russel naman inilagay sa silid nito. Pareho silang mababait sa akin. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng silid. May kama, may vanity table, closet, may leather couch, coffee table at study table. Simple pero maaliwalas sa paningin. Humarap ako sa kanila para magpasalamat. Mahigpit na bilin ni Sir Keiran na dito lang ako sa bahay, hinding hindi ko pupwedeng ilayo ang bata sa pamlyang ito dahil magiging kabilang din ang batang dinadala ko sa mga Ho. Wala naman ako magagawa.
"Pupuwede ba kitang tawaging Jelly?" malumanay na tanong ni Madame Inez sa akin.
Nang nagtama ang aming paningin ay nababasa ko sa kaniyang mga mata ang pinaghalong kalungkutan at awa, siguro dahil sa kalagayan ko ngayon. Mapait na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. "Ayos lang po, Madame Inez—"
"Ate Inez nalang nag itawag mo sa akin, Jelly, hm?"
"A-ate Inez..."
Ngumiti ang mag-asawa sa akin. "Kami na mismo ang humihingi ng tawad dahil sa mga sinabi ni Russel, Jelly." pahayag ni Sir Vladimir. "May dahilan naman talaga kung bakit siya nagkakaganoon pero naisip din naming magpipinsan, hindi pupwede ganoon nalang palagi. Kailangan niyang harapin ang katotohanan na hindi na siya bata."
Yumuko ako. "Naiitindihan ko din naman po siya... Kung ayaw niya sa akin... Kung hindi niya matatanggap na ang anak namin..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla ulit nagsalita si Madame Inez sabay marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. Napatingin ako ulit ako sa kaniya na may pagkabigla.
"Matatanggap niya din ang anak ninyo. Siguro, dahil hindi pa niya nakikita... Pero, di kalunan, mararamdaman din niya kung anong nararamdaman ng mga pinsan niya. Basta, habang naririto ka, maiingatan ka namin. Maaalagaan ka. Huwag ka mag-alala, bibisita kami at sasamahan ka namin sa bawat check up mo." nakangiting sambit ni Madame Inez.
"Pero, may hihingin sana kaming pabor sa iyo, Jelly." segunda pa ni Sir Vladimir.
Tumingin ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. "A-ano po 'yon?"
"Sana, habaan mo ang pasensya mo kay Russel. Magandang option din na hindi kayo magkatabi palagi para hindi ka mastress ng sobra. Pero kung sakaling saktan ka man niya nang pisikal, huwag na huwag kang mag-aatubiling lumapit o tawagan kami." seryoso niyang sambit.
Dahan-dahan akong tumango. "Opo, maraming salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin... Sa amin ng anak ko."
**
Hanggang sumapit na ng gabi ay hindi agad ako nakalabas ng kuwarto dahil nakatulog ako dahil sa sobrang pagod. Nagising lamang ako nang narinig ko na may kumakatok. Dahan-dahan akong bumangon. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Umalis ako mula sa ibabaw ng kama at dinaluhan ang pinto para buksan iyon. Tumambad sa akin ang dalawang kasambahay na may mga dalang tray. Sila ang dalawang babae na napag-utusan ni Sir Keiran na ibabaw ang mga gamit ko at ilagay dito.
"Magandang gabi po, Miss Jelly. Ang bilin po ng Grande Matriarch, dalhan po namin kayo ng hapunan." sabi ng isa sa kanila. "Lalo na't nagdadalangtao po kayo."
Nilakihan ko ang awang ng pinto. "S-sige po, tuloy po kayo." magalang kong sabi sa kanila.
Maingat na pumasok ang dalawang kasambahay. Dumiretso sila sa mababang mesa para ipatong ang mga tray na may mga pagkain.
"Kailangan ninyo na pong kumain, Miss Jelly." sakay may inilabas ito mula sa kaniyang bulsa ng kaniyang uniporme. Marahan niya itong ipinatong sa gilid ng mababang mesa. "Patunugin ninyo lang po 'yan kung tapos na po kayo. Sa labas lang po kami ng kuwarto maghihintay."
Umaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ha? Sa labas lang sila ng silid? Hindi kaya ang hirap naman n'on? Kahit naging kasambahay ako nina Milyn, wala naman ganito.
"A-ahm... N-nasaan na po sila? Ang Grande Matriarch?" bigla kong tanong. Bakit hindi nalang ako sa Dining Area kakain? Hindi kasi ako sanay kumain sa loob lang ng kuwarto.
Bago man nila ako sagutin ay nagkatinginan silang dalawa. Muli sila tumingin sa akin at napangiwi. "Umalis na po sila dito sa Mansyon at bumalik na po sila sa Maynila gawa po ng trabaho kinabukasan. Ang bilin din po pala niya, nag-iwan po siya ng kontak number, pati ng mga ibang kamag-anakan para daw po makontak ninyo daw sila kung sakaling may problema po." inilabas naman niya ang maliit na kuwaderno at inabot niya iyon sa akin. "Lalo na po si Madame Miranda. Tawagan mo lang daw po siya."
Tinanggap ko ang maliit na kuwaderno. Mapait akong ngumiti. "Maraming salamat po."
"Sige po, Miss Jelly. Maghihintay nalang po kami sa labas." nagmartsa na sila palabas ng kuwarto na ito. Hinatid ko lang sila ng tingin hanggang sa isinara na nila ang pinto.
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga at bumaling sa mga tray na nasa mababang mesa. Maraming pagkain. Pero, ni isa sa kanila ay walang pumukaw ng aking atensyon. Ngumuso ako't umupo sa couch. Kinuha ko ang tinidor sa gilid ng tray at sinubukan kong kainin ang pagkain na kanilang inihanda. Hindi maipinta ang mukha ko dahil bakit umiiba ang panlasa ko? Hindi ko kayang kainin ang iba pa.
Dismaya kong ibinaba ang tinidor sa gilid ng tray. Oo, masarap at magandang tingnana ng mga pagkain pero wala talaga. Walang pumatok sa panlasa ko. Pero may isang pagkain na gustong-gusto kong kainin habang nakatira pa ako kina Milyn. Kanin na ang ulam ko ay powder milk. Gustong gusto ko iyon. Tuwang-tuwa akong kainin iyon simula noong nalaman ko na nagdadalang-tao pala ako. Pero isa pa akong hinahanap na pagkain, eh. Hindi ko lang matukoy kung ano iyon.
Kagat-labi akong tumayo mula sa pagkaupo ko sa couch. Dinaluhan ko ang pinto at binuksan iyon. Gulat na tumingin sa akin ang dalawang kasambahay. Dinaluhan nila ako dahil nadatnan ko silang nakatayo sa gilid ng hallway. Bakas sa mukha nila ang pagtataka.
"Miss Jelly, tapos na po kayo kumain?" hindi makapaniwalang tanong ni manang sa akin.
Bago man ako sumagot ay nagbuntong-hininga ako. "Pasensya na po pero... May hinahanap po kasi ako..." pag-amin ko.
"A-anong pong hinahanap ninyo?"
"Kanin na may powder milk bilang toppings po." sagot ko na nakangiwi.
Laglag ang panga nilang dalawa. Nang marealize ni manang ang ibig kong sabihin, napatampal siya sa kaniyang noo. "Jusko, naglilihi nga pala si Miss Jelly!" bulalas niya. "Halika dito, Ineng at kunin natin ang mga tray mula sa kuwarto." utos niya sa kaniyang kasama.
"Opo, manang." kahit siya ay natataranta na pumasok sa loob.
"Pasensya na po, Miss Jelly. Nakalimutan naming bunstis na pala kayo't naglilihi na. Pasensya na po ulit."
"Ayos lang po 'yon..." biglang may sumagi sa isipan ko. "Si Russel po pala, manang? Kumain na po ba siya?"
Tumigil siya saglit sa pagligpit at lumingon sa akin. "Ang huli ko siyang nakita, umalis siya dito sa mansyon. Miss Jelly. Nakabihis po, eh. Dala po niya ang sasakyan niya."
Tango lang ang nasagot ko. Binigyan ko sila ng matamis na ngiti. "Sa Dining Area na din po ako magkakain. Pasensya na po sa abala. Tulungan ko na po kayo..."
"Naku, ayos lang po kami, Miss Jelly." wika naman ni Ineng na nakangiti.
Sabay kaming tatlo bumaba ng grand staircase para makakain na ako ng maayos. Sinasamahan nila ako. Habang kumakain naman, ay nakikipagkwentuhan naman ako sa kanila. Napag-alaman ko na mag-ina pala sila. Kaya super close sila. Pareho din daw sila galing sa isang probinsiya. Tulad ko noon, si Ineng pala ay pinapaaral ng mga Hochengco. Kaya malaking pasasalamat daw ni Manang dahil napadpad daw sila mag-ina sa mababait na amo. Kaya bilang kapalit daw ay mas pinapabuti pa daw nila ang mga trabaho nila.
**
Nagising ako nang tumunog ang cellphone ko sa gilid. Kahit na antok pa ako ay pilit kong abutin ang aking telepono na nakapatong sa side table. Nang silipin ko kung sino ang tumatawag ay medyo nagtataka ako dahil unknown number ito at paniguradong telepono ang gamit para tawagan ang number ko. Pero sa huli ay sinagot ko ang tawag.
"Hello..." bakas rin sa aking boses na inaantok pa.
"Ito po ba si Miss Jelly Doroteo? Ang fiancee ni Mr. Russel Ho?" rinig ko ang boses ng isang lalaki.
Medyo nagising ang diwa ko nang banggitin ng lalaki ang pangalan ni Russel. "B-bakit po?"
"Narito po siya ngayon sa Makati Police Station. Nadanwit na naman siya sa isang away sa isa sa mga club dito. May mga nasira din siyang mga kagamitan sa naturang club. Natawagan ko na din ang kaniyang kapatid na si Keiran Ho, pero ang sabi niya sa akin, mas mabuti pa daw na ikaw ang tatawagan ko..."
"P-pupunta po ako. Sandali lang po, nasa Cavite pa po kasi ako... P-pwede po bang mahintay ninyo ako?"
"Sige po, walang problema."
Binaba ko an ang telepono saka sa aligagang bumangon at umali sa kama. Naghilamos at nagsipilyo lang ako. Nagpalit ako ng damit at nagsuot ng jacket. Kinuha ko ang cellphone ko at wallet saka lumabas ako ng kuwarto. Hanggang sa nakababa at nakalabas ako ng mansyon. Pinuntahan ko ang maid's quarter. Ginising ko si manang kung pupuwede ay samahan niya ako patungong Makati para masundo namin si Russel. Ginising naman niya ang driver at nagmamadali kaming umalis sa Ancestral House ng mga Hochengco.
**
Pagtuntong ko sa loob ng Pulisya ay agad ko hinahanap ng mga mata ko si Russel habang sapo-sapo ako sa aking dibdib. Napabaling ako sa selda. Napaawang ang bibig ko nang matanaw ko si Russel na nakaupo sa sahig. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya.
"Russel," tawag ko sa kaniya.
Bumaling siya sa akin. Napasinghap ako nang makita ko ang iilang sugat sa kaniyang mukha. Putok pa ang kaniyang labi. Talagang nakipag-away siya! "What are you doing here?" malamig niyang tanong sa akin.
"T-tinatawagan ako ng pulis... Ang sabi sa akin, sunduin daw kita..."
"Pero si Keiran ahia ang contact person in case of emergency ko." matigas niyang turan. "Hindi ikaw."
"Russel..." mahinahon kong tawag sa kaniya.
"Stay away. I don't wanna see you. Tawagan mo si ahia at siya ang papuntahin ninyo dito!" bulyaw niya sa akin.
Napaitlag ako sa sigaw niya sa akin. Inilapat ko ang mga labi ko. Ramdam ko na naman ang mga luha ko na namumuo sa aking mga mata.
"Hoy, babae iyan, huwag na huwag mong sinisigawan iyan, pare." sabi ng isa sa mga lalaki na nakatattoo.
"Shut up, you, fucker!" bulyaw ni Russel sa mga iyon.
"Miss Doroteo?" biglang may lalaking tumawag sa akin. Bumalinga ako. Nakablack suit ito at may edad. "I'm Mr. Keiran Ho's secretary. Ipinadala niya ako dito." sabi niya.
Tumango lang ako dahil nanunuyo ang lalamunan ko, dahil dinidibdib ko ang pagsigaw sa akin ni Russel kanina.
Nakausap ng secretray ni Sir Keiran ang mga pulis. Nagbigay na din ng piyansa upang makalabas si Russel pati na din ng mga gamit sa club na nasira niya. Ako naman ay humingi ng tawad sa may-ari ng club ng pinag-eskandaluhan. Pinapangako ko na hindi na iyon mauulit pero bigla ako hinataka ni Russel palayo sa kanila.
"What the f**k are you doing, huh?" matigas niyang tanong sa akin.
Lumunok ako. "Humihingi ng dispensa dahil nanggulo ka sa trabaho nila." lakas-loob kong tugon.
He smirked like a devil. "Parte ng trabaho na nila iyon. Gabi-gabi may maeencounter silang gulo at away. It's normal."
"And you need to be act according to your age, Russel." kusa nalang lumabas ang mga salita na iyon sa aking bibig na dahilan para matigilan siya. "Nagiging immatured ka na sa mga pinanggagawa mo."
Isang malamig na tingin ang ibinigaw niya sa akin. Napalunok ako. Bumilis ang kabog ng aking dibdib. "I'm not immature. I just know how to have fun." wika niya. "At wala kang pakialam kung ano ang ginagawa ko." binuksan niya ang pinto ng kotse kung saan ako sumakay kaniha habang papunta ako dito sa Makati.
Yumuko ako at sumunod na din akong sumakay.
**
Habang umaandar ang sasakyan ay malungkot akong nakadungaw lang ako sa bintana. Umaawang ang bibig ko nang may makita kong isang stall. May mga kumakain doon. Nang makita ko iyon parang nanumbalik ang lakas ko. Bumaling ako sa driver.
"Manong, itigil mo po!"
Sinunod ng driver ang utos ko.
"What the hell?!" inis na sambit ni Russel sa tabi ko pero wala akong pakialam.
Walang sabi na binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas. Nagmamadali akong lumapit sa stall. Lumapad ang ngiti ko nang makita ko ang pagkain na hinahanap ko kanina pa habang nasa Cavite ako.
"Anong ginagawa mong babae ka, ha?" rinig kong boses ni Russel.
Masaya akong lumingon sa kaniya. Sabay turo ko sa pagkain na nasa harap ko. "Gusto ko 'yon." waaah! Amoy palang, ang sarap na!
Kumunot ang noo niya. "What?"
"Gusto ko ng pares! Gusto ko kumain ng pares! Ilibre mo ako ng pares!" tinalikuran ko siya at umupo ako sa bakanteng upuan. Ramdam ko na nakasunod lang sa akin si Russel. Iritado siyang umupo sa tabi ko. May lumapit na babae. Tinatanong niya kung ano ang order namin. "Isang pares po! May kanin! Tapos isang order din po ng mami!" bumaling ako kay Russel. "Ikaw? Anong kakainin mo? Tamang tama, para mawala ang amats ng alak sa katawan mo."
Kahit na may alinlangan sa kaniyang mukha, nag-order din siya ng katulad sa akin. Mas lumapad ang ngiti ko.
"Seriously?" matigas niyang bulong sa akin. "You're unbelievable, woman."
"Marunong ka magluto, Russel?" bigla kong tanong sa kaniya.
"Medyo. Why?"
"Kapag natikman mo na ito, ikaw na gagawa. Ipagluluto mo ako."
Umukit ang iritasyon sa mukha niya. "Wait, inuutusan mo ba ako?"
Ngumuso ako. "Parang ganoon na nga." pumalakpak ako na tuwang-tuwa. "Naeexcite na akong matikman ang luto mo!"