CHAPTER 3
Amarah Pov
Habang nag- iimpake Ako ay sine-separate ko na ang mga dating gamit ko sa mga gamit na bigay sakin ni Nathan.Iyong mga bagay na matatawag kong akin ay aking dadalhin sa pag-alis didto sa apartment nag pag- aari ng pamilya ni Nathan. Iyong mga regalo nito at binili para sakin ay isisilid ko sa Isang malaking kahon.Isasauli ko ang mga iyon sa lalaki, Kasama ang cellphone na regalo sa akin ni Nathan.
Parang ibig kong manglumo't huwag nang ituloy ang pag- iimpake. kanina Kasi ng tumawag Ako Kay Kristan ay cannot reach na ang number nito. Kaya tumawag Ako sa bahay nito. para alamin Kong nasaan si Kristan.
"Manang nandiyan ba SI Kristan Hindi ko Kasi Siya ma contact eh."
"Nako iha Hindi mo ba alam na nasa Amerika na ito."
"Po na sa amerika, magtatagal po va Siya Doon."
"Oo iha baka nga Hindi na ito bumalik pa ng pilipinas."
Parang may pumiga sa aking Puso sa naisip ko na Hindi na babalik si Kristan dito sa pilipinas,at kung magkita man kami ay baka nga na may asawa na ito.
Third Pov.
Bukas ang pinto sa kanyang kuwarto pero kumatok pa rin ang kaibigan niyang SI Janet bago ito tumuloy sa loob.
Pero hindi nilingon ni Amarah SI Janet.
Lumapit sa kanya ang kaibigan at naupo sa gilid ng kanyang kama.
"Talaga bang aalis ka," ani nito.
" Iyon ang sabi ko Kay Nathan. Nakakahiya naman kung mananatili pa Ako rito. Wala na kaming dalawa at Wala na ring kasalamg magaganap."
"Paano Ako?"
Saka lang nilingon ni Amarah ang kaibigan.
"Anong paano ka?"
"Kapag umalis ka na rito siyempre'y mapipilitan na rin Ako'ng umalis. Tiyak na Hindi papayag SI Nathan na manatili pa Ako rito kung wala kana."
"Kausapin mo Siya. Baka pumayag siyang manatili ka rito sa apartment."
Hindi kumibo SI Janet ngunit batid ni Amarah na nagdadalawang- isip ito kung susundin ang sinabi niya o aalis na Lang tulad niya.