Hindi ko pa rin maproseso sa utak ko na ikakasal ako kay Sebastian. Pangarap ko lang noon ay maikasal pero hindi ko inaakala na sa kanya pala. Akala ko ay sa isang normal na tao na katulad ko lamang, yung walang yaman o ano pa man. Hanggang ngayon ay nalulula ako sa katotohanan na napakayaman ng pamilya nila Sebastian, lalo na siya. Kaya lang kasabay ng kayamanan na iyon ay ang patong-patong na responsibilidad na kailangan niyang gawin sa pamilya. Siya ang kailangan mag puno ng lahat ng iyon. Hindi ako makaalis sa kwarto niya, nakaupo lang ako sa kama niya habang siya ay walang humpay sa pagtawag sa mga kakilalang tao. Iniimporma nito ang kasal naming dalawa. Gusto ko sanang magpaalam na uuwi muna ako sa bahay pero hindi ko siya maabala sa ginagawa niya. Sa totoo lang, masaya ang bat

