"Babalik din ako kaagad. Sigurado ka ba na sa bahay ninyo ikaw mananatili?" Sebastian asked me. Nagpaalam na kasi ako sa kanya kagabi, pumayag naman siya pero mukhang nag-aalinlangan pa. Matapos kasi nang may mangyari sa aming dalawa ay mas lalo siyang naging clingy sa akin. Sinulit niya yung mga natitirang araw sa Pilipinas para may mangyari sa amin paulit-ulit. Yumakap siya sa akin, "Ayoko namang alagaan pa ako dito. Tsaka mabuti ng may manatili muna sa bahay. Dalawang linggo ka lang naman mawawala," sabi ko sa kanya. He muttered a curse under his breath, alam ko na ayaw na ayaw niya talagang iwan ako sa loob ng dalawang linggo na iyon. "Pagbalik ko, we'll go to Manila. Alright?" he asked. Tumango ako sa kanya. Plano kasi niya na sa Maynila kami muna manatili dahil tatanggap siy

