"S-sino siya?" hindi ko alam kung saan ako humugot nang lakas nang loob para itanong iyon. Tumitig ako sa babaeng nakangisi at nakataas ang kilay na tila nagtataka kung bakit ganoon ang naging tanong ko. Bumagsak ang tingin ko sa kamay nitong pumulupot kay Alexander. Tila hindj ko na kailangan nang sagot dahil sa nakita. Ngunit bago pa nito iyon masagot ay muling tumunog ang cellphone kaya mabilis akong lumapit sa katabing elevator para makababa na. Hindi ko na ito binigyan nang miski isang sulyap dahil basta nalang ako tumalikod at walang imik na umalis sa harap nang mga ito. "H-hello.." nanginginig kong sagot sa telepono at napasandal ang likod sa pader nang elevator. "Anak! Ang Tita mo!" nag aalalang bungad sa akin ni Manang nang sagutin ko ang tawag. Ngunit hindi ko na iyon nasag

