A phone rang for a call, na siyang ipinag papasalamat ko dahil sa katahimikan na bumalot sa aming dalawa matapos nito iyong sabihin. "E-excuse me.." nanginginig na paalam ko rito dahil sa kabang nararamdaman. Tumango ito habang nakatitig pa rin sa akin. Si Lola. Nangunot ang noo ko ng makitang si lola ang caller na tumawag sa akin. Naalala ko bigla yung reaksyon niya noong hindi natuloy ang kasal namin ni Gilbert sa probinsya namin kung saan ito ang nag request. Doon dapat gaganapin ang kasal namin, sa matandang simbahan doon sa probinsya ngunit hindi ito natuloy dahil sa nang yari na dahilan upang sumama ang loob nito. Hindi lang kay Gilbert ngunit pati narin sa akin dahil hindi ko daw binantayan at inalagaan ng maayos si Gilbert kaya ito humanap ng iba. No, that's not right. Hindi it

