"MA'AM, wala pa bo ba si Mr. Clinton?" tanong ng host kay Thess. "Wala pa, I guess kailangan kong i-cancel ang engagement party sa ngayon," malungkot niyang sagot sa host. "Nasaan ba kasi si Sir Zavier?" bulong sa kanya ni Trixie. "Hindi niya sinasagot ang tawag ko, Trixie. Baka may problema lang sila ni Rusty," aniya sa kaibigan. "So, cancel na lang gano'n? Paano mo ipapaliwanag sa pamilya mo?" Hindi maipinta ang mukha ni Trixie nang tanungin siya nito. "Ako na ang bahala don," aniya at nakangiting lumabas ng private suite. Hanggang sa marating niya ang entablado. "Ma'am, narito po ang mic," ani ng host sa kanya. Ang ilang escort ay lumapit sa kanya para siya'y alalayan na makaakyat ng maayos sa entablado. Nakangiting umakyat siya sa stage, sinisigurado niyang confident siya sa

