Kabanata 1

1099 Words
Totoong nagulat siya sa ginawa ni Mr. Clinton. Kahit na sabihing ultimate crush niya ito. Wala pa rin itong karapatang nakawin ang kanyang first kiss. Sinubukan niya itong itulak sa malapad nitong dibdib, pero bigo siya. Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang mga kamay. Pagdakay, pinutol nito ang halik. "How dare you, Zavier!" Narinig niyang asik ng isang babae. "I told you, I have a girlfriend." "Isang katulong ang pinalit mo sa akin!" "Ano naman ngayon kung isang katulong?" He playfully remarked to the woman, who was clearly angry. "I enjoy her company as she brings my fantasies to life every night." Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig mula sa mga labi ni Zavier. "What?!" Napansin niya ang panlilisik ng mga magandang mata ng naturang babae. "Indeed, I'm not fond of being with a woman who exhibits clingy behavior like you." "I hate you!" "Then, hate me as you want." "Fūck you, assh0le!" Pagdakay, mabilis na umalis ang babae. Lakad-takbo ang ginawa nito palabas ng naturang mansion. Nasundan niya na lamang ito ng tingin. "Manang Trina, bagong katulong ba siya?" "Y—yes, sir." "Pumasok na kayo," utos ni Zavier sa kanila ni Aling Trina. Aba't ang damuho parang wala lang dito ang ginawa nito sa kanya? Kaya hindi niya napigilan ang sarili na harapin ito. "Excuse me, Mr. Clinton. Hindi porket ultimate crush kita ay papayag na ako sa ginawa mong pagnanakaw nang halik sa akin? May bayad ang halik na ninakaw mo mula sa akin." "You're hired, right? O, baka gusto mong palayasin kita?" "Thess, huwag mo ng pairalin iyang pagka-amazona mo," bulong ni Aling Trina sa kanya. "Alalahanin mo kung bakit ka narito." Saka niya na realize ang sinabi ni Aling Trina. "Pasalamat ka at mabait ako ngayon, kung hindi dahil sana sa pamilya ko, hindi ako mapadpad dito. Pero ang nakawan ako ng ha—" Hindi na siya pinatapos pa ni Mr. Clinton sa sasabihin nang muli nitong angkinin ang kanyang mga labi. What the! Aba't namumuro na ang lalaking ito. Pero aaminin niyang kanina pa siya kinikilig, kaya lang, mas umiiral lang talaga ang kanyang pagkamataray. "Naku po!" Narinig niyang bulalas ni Aling Trina. Maagap na pinutol ni Zavier ang halik at nakangising nakatitig sa kanyang mukha. "Bastos!" Sigaw niya sa pagmumukha nito. "I'm not, kung nababastusan ka sa akin, bakit hinayaan mo akong halikan kang muli?" "Sino ba naman ang hindi makatanggi sa isang Adonis na tulad mo, e, matagal na kitang crush? Ang mahirap lang sa'yo, sinamantala mo ang kahinaan ko bilang babae!" Asik niya rito. Nailing na lamang ito sa kanyang sinasabi. Saka ito sumenyas kay Aling Trina. "Tara na, wala kang mapapala sa pagtatalak mo riyan. Isipin mo na lang ang inay at mga kapatid mo. Ginawa lang iyon ni sir, para tumahimik ka na, paano ba naman kasi ang ingay-ingay ng bunganga mong babae ka." "At ang kapal ng mukha niyang gamitin ako, Aling Trina. Ni hindi niya nga hinihingi ang permiso ko, ano iyon, gano'n na lang iyon?" Inis niyang tugon. "Thess, makinig ka na lang sa akin." *** Zavier POV "Is it true that she is the new maid?" "Yes, sir. Kakilala ni Aling Trina. Parang pang Ms. U po ba ang ganda?" Napatangu-tango lang siya sa isa sa kanilang kawaksi. Si Aling Trina ang mayordoma ng kanilang mansion. At sa kanya lang sila nagtitiwala. Aaminin niyang maganda ang bagong katulong. Magpahanggang ngayon, naramdaman niya pa rin ang malambot at matamis nitong mga labi. How long to feel her lips on his once again. What was her name again, Thess? It's a lovely name. Ipinilig niya ang sariling ulo. Hindi niya akalaing pati maid ay papatusin niya. However, she possessed a distinctiveness that set her apart. And he must confess, he derives immense enjoyment from teasing her in a lighthearted manner. "Ginawa ko lang naman iyon para tantanan na ako ni Cally. Actually, marami sila at magpahanggang dito sa mansion ay sinusundan nila ako." "Hindi na po nakapagtataka iyon, sir. Gwapo, matikas po kayo, at higit sa lahat mayaman." "Naghahanap ako ng isang babaeng mamahalin ako, hindi dahil sa pera ko. Kundi sa kung sino ako." "Mahirap 'yan, sir. Hindi naman po sa ni lahat ko ang mga babae ngayon, pero mostly po kasi sa mga babae ngayon naghahanap na ng sugar daddy." "Mukha ba akong sugar daddy?" Nakangiti niyang tanong kay Mang Dan. "Hindi naman po, nasabi ko lang 'yon, as an example po." "Puntahan ko lang sina Aling Trina, Mang Dan," paalam niya rito. "Sige po, sir." Naabutan niyang panay ang talak ng bagong maid. Hindi niya mapigilang mapangiti sa reklamo nito dahil sa ginawa niya kanina. So, siya pala ang first kiss nito? Ang swerte niya naman. Pabalik-balik lang ang sinasabi nito. Panay naman ang pagpapakahinahon ni Aling Trina rito. At para matulungan si Aling Trina. Mula sa kanyang pinagtataguan, lumabas siya at tumikhim. Napansin niyang tumigil ito sa pagsasalita. Pero hindi nakaligtas sa kanyang ng paningin ang nakamamatay nitong titig. Ang totoo, ngayon lang siya naka-encounter ng isang babaeng tila parang tigre kung tumitig. Para bang ilang oras na lang ay lalapain na siya nito ng buhay, well, heto ang mag-ingat sa kanya. Imbes na matakot, ngumiti siya rito nang pagkatamis-tamis. "Hi, mukhang parang galit ka, Ms......?" "Padaong," mataray nitong sagot sa kanya. "At sa tingin niyo po mahimasmasan agad ako sa ginawa niyo kanina? Paano kung hindi ako makatulog mamaya sa kakaisip sa ginawa niyong paghalik sa akin? E, 'di puyat ang aabutin ko?" Palatak nito na talaga namang hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyng mga labi. Nilapitan niya ang galit na si Thess. Sumilay ang mapang-akit niyang mga ngiti. Pinasadahan niya ito ng tingin, mula ulo hanggang paa. "Hindi man ako kasing-ganda at kasing-seksi ng mga lintik mong ka-fling. Huwag na 'wag mo akong ibilang sa mga iyon, Mr. Clinton. Malaki ang respeto ko sa sarili ko. Narito ako para magtrabaho, para sa ina kong may sakit at para mapag-aral ang mga kapatid ko. Kaya kung magagalit ka sa akin ngayon dahil sa ginawa ko, at ngayon din ay nais mo akong palayasin, then do it!" Matapang nitong turan sa kanya. Namangha siya sa ipinapakitang tapang ng babaeng nasa kanyang harapan. Habang tumatagal ay mas lalong gumaganda ito sa kanyang paningin. "Sir, ako na po ang humihingi ng dispensa sa inasal ni Thess. Patawad po, sir." Napansin niya ang labis na pag-aalala sa mukha ni Aling Trina. "I'd like to have a private conversation with you, Ms. Padaong. Please come to my office immediately!" Utos niya rito. Saka niya ito tinalikuran at tinungo ang kanyang opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD