Unti-unting nagising si Faeleen at natagpuan ang sarili sa isang hindi pamilyar na kwarto. Iginala niya ang kanyang paningin, walang ideya kung nasaan siya ngayon. Napapikit siya at hinawakan ang kanyang ulo, nakaramdam ng matinding sakit halos napamura siya. Gulat na gulat siyang nagmulat ng mata, dahil naalala ang mga nangyari kagabi. Muli siyang nakaramdam ng biglaang pananakit sa kanyang dibdib. Napatingin siya sa pintuan dahil bumukas ito, si Selene yung pumasok mababakas sa mukha nito ang pag-aalala. "May masakit ba sa'yo? Ayos ka lang ba?" Sunod-sunod niyang tanong, kagabi pa siya hindi mapakali dahil sa pag-aalala. "Anong nangyari? May ginawa ba sayo si Mr. Quevedo? Bakit ka nawalan ng malay?" Muling tanong niya sa kaibigan hindi naman alam ni Faeleen kung anong unang sasagu

