"Here's for you. What do you want coffee or tea?" Inabutan siya nito ng plato na may toasted bread, scrambled egg, ham and bacon. "Coffee na lang. Ang sakit ng ulo ko eh." Sabi niya dito. Inabutan naman siya nito ng isang tasa na kape. "Yan' ang napapala mo sa ka iinom. Heto ang hang over medicine, inumin mo pagkakain." sabi nito at inabutan siya ito ng tableta ng gamot. "Wow! Ang bait mo ata ngayon, magugunaw na ba ang mundo?" Pang aasar niya dito. "Siguro mas magandang kumain ka na lang dahil male- late ka na. Di' ba may pasok ka pa? Pasado alas siyete na" Balik aman sa kanya nito. Tila doon naman siya natauhan. "Oh crap!" Sabi niya at binilisan na lang kumain. "Dahan dahan at mahina ang kalaban maaga pa naman." Pagpapa- alala nito. "Ikaw kasi may kasalanan nito eh! Kung hindi ka

