THADDEUS POINT OF VIEW PS: ITONG POINT OF VIEW NI THADDEUS KADUGTONG ITO NANG POINT OF VIEW NYA SA IKALABING ANIM NA KABANATA Dahil sa bilis ng pagkakawala ni Mozzimo noong gabing dumating ako sa bar, hindi ko na siya inabutan. Parang bula siyang naglaho. Hanggang ngayon, may bahid pa rin ng galit at panghihinayang sa dibdib ko—kung hindi ako pinigilan ng dalawang bantay sa labas, baka nahabol ko pa siya. “San ka na naman pupunta, Thaddeus? Gabi na,” tanong ni Dad. Tumingin ako sa likod at nakita ko siyang pababa ng hagdan, naka-pantulog na at may hawak na tasa ng gatas. “May pupuntahan lang po ako, Dad. Sa isang bar lang malapit dito,” sagot ko. “Bar?” Halata sa tono niya ang pagtataka. “Anong gagawin mo sa bar ng ganitong oras?” “May importante lang po akong kikitain,” sagot ko. H

