SERONA POINT OF VIEW WARNING❗ EHEM MAY WARNING KAPAG MAY WARNING MAY? SIGE KAYO NA MAG TULOY HAHAHA Nagtaka ako nang huminto kami ni Thaddeus sa harap ng isang mataas at modernong gusali. Kung hindi ako nagkakamali, building ito ng mga condominium. “Anong ginagawa natin dito?” tanong ko habang bumababa mula sa sasakyan, puno ng pagtataka. “Basta, halika na. Akyat na tayo,” sagot niya sabay hila sa aking braso papasok. Pagkapasok namin sa loob, dumiretso agad kami sa elevator. Wala man lang guwardiyang pumigil o nagtanong sa kanya. Para bang sanay na siyang pumasok dito—o baka kilala na siya. “May condo ka ba dito?” tanong ko ulit, hindi pa rin mapakali. Hindi siya sumagot. Sa halip, ngumiti lang siya ng misteryoso, kaya lalo akong nainis. “Hoy, Thaddeus, baka mamaya ibugaw mo lan

