SERONA POINT OF VIEW Habang nasa biyahe, tahimik lang akong nakatingin sa bintana, pinagmamasdan ang mabilis na pagdaan ng mga tanawin. Ramdam ko ang mga matang nakatuon sa akin—si Yllah at Thaddeus, halatang nais akong kausapin. Pero sa halip na harapin sila, mas pinili kong ituon ang pansin ko sa labas, hinayaan ang malamig na simoy ng hangin na bahagyang pakalmahin ang naguguluhan kong isip. Kaya ko ba talaga? Kaya ko bang humarap sa kanila—sa nanay at kapatid kong matagal ko nang iniwan? Ilang taon na ang lumipas simula nang lisanin ko ang lugar na iyon, at ngayon, bumabalik ako na may dalang bigat sa puso. Hindi ko alam kung paano nila ako sasalubungin, kung may galit pa ba, o kung may puwang pa ako sa buhay nila. Napabuntong-hininga ako, pilit pinapakalma ang sarili, pero kahit a

