SERONA POINT OF VIEW Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Pikit-mata akong dumilat, unti-unting bumangon mula sa malambot na kama. Naka Suot na ako nang oversized na damit at boxer na hula ko si Thaddeus ang nag suot saakin. Napansin kong mag-isa lang ako—walang katabi. "Nasaan si Thaddeus?" tanong ko sa sarili ko habang bumuntong-hininga. Bumaba ako ng kama at tinungo ang malaking glass wall para isara ang kurtina. Ngunit bago ko pa man ito magawa— "Gising ka na pala, sakto. Nagluto ako ng sinigang na baboy. Kain na tayo," bungad ni Thaddeus, may ngiting nakakagaan ng loob. Parang bigla akong nahiya. Naalala ko na naman ang nangyari sa amin kanina. Mauulit kaya iyon? "Anong oras na ba?" tanong ko habang nag-uunat. Tumingin siya sa relo niya, tapos tumingin p

