Chapter 5: The way you look at me

1205 Words
RIZZA SANDOVAL Na-stuck up ako sa may gilid ng kotse ko, "Bakit nga ba ako nandito?" tanong ko sa aking sarili. Habang naguusap sila ay sinubukan kong pumahakbang ng nakaupo patungo sa pintuan ng kotse ko. Pero natigilan ako sa narinig ko. "Maria, ako nalang ang itulak mo kay Carlo Ray kung ayaw mo sakanya!" si Carlo Ray? Yung Asungot na mukhang palaka na yun? Unti unti ko ulit iniangat ang ulo ko at siniguro ko na hindi ako makikita ni Bianca. Ngunit... Hindi ko namalayan na nasa gilid ko na siya at mariing nakatingin sa akin. "At anong ginagawa mo riyan?" Nakapameywang pang sabi niya habang nakatitig sa akin. Biglang lumakas ang kabog ng puso ko. "Ano ba namang puso ito?" Hindi na ako makapagsalita sa sobrang kaba. Dahan dahan akong lumingon sa kanya. At laking gulat niya na ako ang nakita niya. "IKAW?!" kasabay noon ang panlalaki ng mata niya. Maging ako ay nagulat dahil sa reaction niya. Dumating ang mga kasama niya at agad na nagtanong kung sino ang nakita niya. "Bianca, sino ba ang nakita mo at parang gulat na gulat ka?" tanong ng isa niyang kasama. "Anong ginagawa mo diyan? Bakit ka nagtatago diyan?" Paulit niyang tanong sa akin, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga iyon. Pero teka? Bakit naman ako matatakot sa kanya? *EHEM* me, clearing my throat "Wala lang? Bakit ba? Masama bang maupo sa gilid ng Kotse ko?" Tss. Thanks rizz, ang ganda ng excuse mo. "Teka? Nakikinig ka ba sa usapan namin?" What the? Totoo ba tong naririnig ko? Ako pa yata ang nadali ngayon. "Ano namang ibig mong sabihin diyan? Hinding hindi ako ususera at lalaong lalo na hinding hindi ako Tsismosa! gets mo?" Pagtataray kong sabi sa kanya. Aba pagbintangan pa niya ako. "Eh bakit nariyan ka sa may tabi at nagtatago? Hindi ka na lang dumerecho sa sasakyan mo?" Oo nga no? Bakit nga ba ako nandoon? s**t! Rizz! Gumawa ka ng rason! Ngunit sa sobrang lapit niya sakin parang di ko na yata kaya pang gumawa ng rason. Napatitig ako sa mga mata niya na tila iyon ang pinakamagandang mata na nakita ko sa buong buhay ko. Perpekto ang mukha niya para sa akin, at lalo pala siyang gumaganda kapag nakita mo ang mukha niya ng malapitan, ang kinis at para bang walang bahid ng dumi sa kanyang mukha. Wait? Did I just checked her out again? What the hell? Hindi ito pwede! Stop thinking about those s**t words Rizz! Get back to yourself! Bago pa niya mahalata ang ginagawa mong pagtitig sa kanya. "Teka? Namumula ka ba?" Aktong tanong niya sa akin na lalo pang nagpabilis ng t***k ng puso ko. "W-what? H-hindi no? Makaalis na nga!" itinulak ko siya sa gilid at padali dali akong pumaroon sa pinto ng kotse ko. "Rizz? What the hell is wrong with you?" pagtatanong ko sa aking sarili na lalong nagpatuliro sa akin. Hindi ko malaman ang gagawin ko kapag ganoon siya kalapit sa akin. Dali dali kong isinuksok ang susi ng kotse ko at agad itong pinatakbo. ---- BIANCA MARIE ALVAREZ Pagalis ng sasakya ni Rizz ay sinundan ko muna ito ng tingin. "Maria? Bakit ang sungit non?" akmang tanong sa akin ni Jobelle na siyang sinangayunan naman ni Fatty. "Aba'y malay ko ba dyan sa babaeng yan. Tara na at pumaroon tayo sa Library dahil may mga gagawin pa tayong assignments." sa dami ng gagawin ngayong araw e pakiramdam ko paguwi ko mamaya sa bahay e latang gulay akong babagsak sa kama. **** Habang naglalakad kami paroon sa library ay may mga humarang sa amin na estudyante. "Ikaw ba yung School nerd na sinasabi nila?" pagtataray ng isang babae sa akin. Maganda siya at Ideal for Muse ang kanyang mukha pati na din ang hubog ng kanyang katawan. "A-ano bang sinasabi mo?" Pagtatanong ko sa kanya. Aba e malay ko ba kung ano ang sinasabi nila about sa akin. s**t! First day ko palang e ganito na agad ang mga nangyayari sa akin? Letse! "Balita ko e ikaw ang School Nerd na nagugustuhan ngayon ni Rizz." pagtataray pang sabi ng babae. Teka? Yung babaeng may magarang kotse kanina? "Teka? Ano ba yang mga sinasabi mo? Wala akong alam diyan kaya pwede ba makikiraan naman kami dahil madami pa kaming dapat gawin." at aktong pinilit kong dumaan sa gilid niya pero hinarangan niya akong muli. "Tigilan mo si Rizz kung ayaw mong mamaga yang pagmumukha mo." pagbabanta sa akin ng babae na siyang ikinainis ko pa ng sobra. "Hoy, FYI. Wala akong ginagawang masama, unang una, hindi ko kilala yang Rizz na sinasabi mo at pangalawa, hinding hindi ako pumapatol sa Kapwa ko babae kaya tumabi ka dyan at paraanin mo kami!" Matapang kong sabi sa kanya. Aba sino ba siya? Teka? Pinagtitinginan na yata kami ng mga tao ha? s**t! Pagdaan ko sa gilid niya ay agad niyang hinarang ang paa niya dahilan para matalisod ako sa daan. "Para yan sa mga ambisyosa na katulad mo! And btw, ako ang girlfriend ni Rizz." Aba e pakialam ko sa pagmumukha niya? Letse akala ko anghel ang ugali. Sa mukha lang pala. Ang cheap naman pala ng mga tipo ni Rizz. Naglakad na palayo ang babae pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon sa akin. Sa sobrang pagkapahiya ay agad akong tumakbo sa CR at sinundan naman ako ng dalawa kong kaibigan na sila Jobelle at Fatty. **** Nasa loob kami ng CR ngayon. "Okay ka lang ba Bianca?" tanong ni fatty sa akin habang hinihimas ang likod ko. "Oo, okay lang ako guys. Palipas muna tayo dito ng oras." naiiyak ako pero kailangan kong maging malakas. Mukhang hindi lang ito ang mararanasan ko dito sa eskwelahan na ito. "Grabe naman ang babaeng yun. Akala ko pa naman mabait siya." aktong sabi ni Jobelle habang nakatitig sa akin. "Wala lang sigurong magawa yun kaya siya ganun." Sabi ni Fatty habang nakatitig sa salamin. "Hindi ko maintindihan, kabago bago kong estudyante dito e pagdidiskitahan agad ako ng mayaman na katulad niya. Hindi ko naman alam ang mga sinasabi niya? Tsaka bakit naman niya nasabing ambisyosa ako e wala naman akong ka alam alam na kumakalat na pala ang balitang iyon na wala namang katotohanan." naiisip ko palang na papatol ako sa kagaya ni Rizz, may halong pandidiri na ang nararamdaman ko. Pinalaki akong straight ng mga magulang ko kaya imposibleng magkagusto ako sa gaya ni Rizz. Naisip ko lang, ang gandang babae ni Rizz at nung babaeng pumatid sa akin pero di mo aakalain na sila pala. I just can't even imagine myself falling in love with the same gender. Teka? Bakit ka ba nagiisip ng mga bagay na ganyan Bianc's? No way! Erase! Erase! Bumalik ako sa katinuan ng kalabitin na ako ni Jobelle para ayaing lumabas ng CR. "Hoy! Ano nanaman bang laman ng isip mo?" aktong tanong sa akin ni Jobelle habang mariing nakatitig sa akin. "Ah eh wala. Ano lalabas na ba tayo dito?" baka kung ano pa kasi ang masabi nanaman nitong si Jobelle. "Oo tara na at lumabas na tayo dito." habang nag aayos ng kanyang mga gamit. Naghanda na din ako papunta sa library. First day of class? Ang dami daming nangyarii sakin! Shemay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD